ANG MAINAM NA PAG-COMFORT

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Corinthians 1:3-4
Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of compassion and the God of all comfort, who comforts us in all our troubles, so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves have received from God.

To comfort in the Christian context is to strengthen a person so that he can face his problems and carry his cross. In other words, “Hindi ko bubuhatin yung cross mo for you dahil sayo yan naka-assign. Merong cross for me. Pero bibigyan kita ng kaya kong ibigay na pampalakas para makaya mong dalhin yan.” Hindi naman yung “A, cross mo yan. Bahala ka sa buhay mo.” We should be comforters.

Ang pinakamasama daw na maaring magawa natin sa isang taong nagdurusa ay bigyan siya ng lahat ng kaya nating ibigay para matakasan nya ang kanyang mga pagdurusa. Ang mabuti raw ay mabigyan natin siya ng lakas para madaanan nya ang mga matitinik na landas na dapat nyang daanan. Hindi natin siya binubuhat para huwag siyang matinik at tayo na lang ang matinik. Hindi naman siguro nagkamali ang Dios na bigyan siya ng ganong landas. That is not comforting. To comfort is to equip the person to face up to his own life, to look at his cross squarely and to carry it with strength, dignity and faith.

Ano ba talaga ang napapala natin when we comfort the bereaved? First and foremost, we help the bereaved. Secondly, it also helps us because when we comfort other people, we find substance and meaning in our own. Napakahalaga na sa ating buhay meron tayong katuturan at kahulugan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

HANDLING ANGRY PEOPLE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 29:8
Mockers stir up a city, but wise men turn away anger.

Kahit mahirap gawin, kaya nating kontrolin ang sarili para huwag magalit. But how do we face and turn away someone’s anger?

One way is to control yourself. Kailangang marunong tayo ng pagtitimpi at pagpipigil sa sarili. Sapagkat kung may taong galit at kahit hindi tayo galit nung una pero sa kalaunan ay nagalit na rin tayo, nagkasagutan na nang pagalit, lalo lang hahaba ang istorya.

Isa sa mga kababakasan ng tunay na pagiging mabuti at marunong na tao ay yung napapalamig natin ang galit ng kapwa, at napipigil natin ang sariling hindi maapektuhan ng kanyang galit. So, do not be easily provoked. Kontrolin ang madaling pag-init ng ulo lalo na kung tayo ay pikon at madaling mainis. Kasi kahit ibang tao ang nagpapasimula ng gulo, humahaba at lumalaki ito dahil hindi natin natutugunan nang tama ang kanyang galit. Ang mga maka-Dios at matatalinong tao ay mahinahon, kaya’t ano mang galit ng kalaban, kapag kinausap na nila ito, biglang humuhupa ang galit, lumalamig ang ulo.

When people are angry at us, we should continue to do good. You are not good only to those who are good to you, but also to those who are not good to you. There is nothing unusual about doing good to those who are good to you, but to be identified with God and to be called “godly” we have to go beyond what is usual. And that is to be able to return good for evil. Kaya mahalaga na pag galit ang taong kaharap natin, we remain calm.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

DO NOT BE A GUARANTOR

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 22:26-27
Do not be a man who strikes hands in pledge or puts up security for debts; if you lack the means to pay, your very bed will be snatched from under you.

What does the Bible say about becoming a guarantor—yung maging co-maker, taga-garantiya, o tagapanagot sa utang ng iba?

People who strike their hands for another person’s responsibility, ayon sa Bible, lack good judgment. Bakit dapat pag-aralan? Darating kasi ang pagkakataong may lalapit sa atin para kunin tayong guarantor. May mga bago pa lang nagnenegosyo ang lalapit sa atin. “Gagawin naman kitang guarantor.” Tayo naman dahil gusto nating makisama, payag agad. Pero ano raw ang ibinubunga nito?

You become trapped. Ang guarantor ng utang ng iba ang siyang nahuhulog sa bitag. At siguradong pagdurusa at pagtitiis ang kasunod nito. Ang mahilig maggarantiya, siyang nahuhubaran ng lahat-lahat. Hanggang higaan mo o papag o banig o malong na tinutulugan ay mawawala kapag mahilig kang mag-garantiya sa utang ng iba.

Kaya ano ang dapat gawin? Malinaw ang paalala ng mga verses: do not do it! At kung minsang nagawa na, huwag nyo nang uulitin. Hindi mo kasi alam kung ano ang gagawin bukas ng gagarantiyahan mo. Paano kung magkaroon ng pangangailangan ang mga mahal mo sa buhay pero hindi mo masagutan dahil nakatali sa iba?

Huwag din nating ilagay sa alanganin ang iba by asking them to make guarantees for us. To say that I will guarantee you in the next 25 years is to presume that there will always be love between the two of you. Paano kung wala na?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

MAGPAYAMAN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Deuteronomy 8:18
“But remember the LORD your God, for it is he who gives you the ability to produce wealth, and so confirms his covenant, which he swore to your forefathers as it is today.”

Kung mahirap tayo ngayon ay mag-isip-isip tayo kung bakit. Hindi gusto ng Dios na tayo ay maging mahirap. Lumikha ang Dios ng napakaraming papaya sa planetang ito para makain natin, pero yung mga walang pananampalataya ang kumakain dahil hindi natin ma-afford ang papaya. Kaya siya lumikha ng magagandang beaches ay para ma-enjoy ng kanyang mga anak. Pero ang mga di mananampalataya ang nag-e-enjoy ng lahat ng mga beach resort sa mundo.

Hindi siya lumikha ng napakasasarap na chemistry ng pagkain at mga putahe para lang ipakain sa mga hindi sumasampalataya at sa mga sumisira ng kanyang pangalan. Pero bakit wala sa sikmura ng mga Kristiano ang mga pagkaing ito? Because we have poverty mentality!

Hindi ba tayo nababagabag na kung nakakakita tayo ng mga pulubi at mga naghihirap ay ni hindi na nahihirapan ang ating loob dahil sobra na tayong nasanay na tumitig sa kahirapan? It’s time for Christians to rise up and grab the wealth through honest and hard work. Enough of poverty in this country!

Kailan pa ito matatapos? Pag ang kayamanan ng mundong ito ay hawak na ng mga Kristiano upang matulungan ang mga mahihirap. Doon pa lang magkakaroon ng tunay na kalayaan mula sa kahirapan. The wealth of this planet must be in the hands of God’s people. And for a start, kiss your poverty mentality goodbye. Stop thinking, stop behaving, stop living like poor men.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

ANG GUSTO NG PERA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 17:16
Of what use is money in the hand of a fool, since he has no desire to get wisdom?

Anong katuturan ng pera kung ang mayhawak ay hindi marunong? Isa sa mga praktikal na bagay that we can learn is not to give money to fools. Pipiliin nyo ang bibigyan nyo ng pera. Bibigyan nyo ba ang marunong o hindi marunong? Baka masayang lang ang pera nyo kung hindi sa marunong ibibigay.

“Anong bibilhin mo, anak? Bread ba? Nakakabusog, nakakapagpatalino, nagbibigay ba ng comfort?”

“Drugs po, Mommy, to get my fix.”

Maraming tao ang hindi marunong mag-handle ng pera. Nung yumaman, bumili ng condo para dun itago ang tatlong kerida, tigi-tig-isang floor para hindi nga naman nagkikita-kita! Ganun ba ang paggamit ng pera? Kung binibigyan tayo ng Panginoon ng pera, anong nangyayari sa atin? Nagiging mataas at mayabang ba tayo? So ano ang ginagawa ng Dios? Binabawi! Dahil ang sabi ng Bible, of what use is money in the hand of a fool? Gusto ng pera ang taong marunong.

Kaya dapat maging matalino tayo at tama ang ginagawa natin para nadadagdagan ang pera. Sino ba ang nilalapitan ng pera? Siempre ang mga marurunong. Yung marunong maghanapbuhay, marunong magtiyaga, at marunong magnegosyo.

Marami siguro tayong mga kakilala na nagkandahirap-hirap ang mga lolo’t lola para magpundar. Yung mga anak naman itinuloy ang konting negosyo. Pero yung mga apo na hindi na kilala ang mga lolo’t lola na nagpundar–gasta dito, gasa doon; benta dito, benta doon. Ubos! Kasi hindi talaga bagay ang pera sa hindi marunong. Kung gusto nating magkapera at ma-maintain ito we must continue to be wise para hindi mabawi.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.