BURAHIN SA MENU

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Peter 2:22
Of them the proverbs are true: “A dog returns to its vomit,” and, “A sow that is washed goes back to her wallowing in the mud.”

Pag nakakita tayo ng aso na binalikan ang isinuka at kinain ulit, iisa lang ang iniisip natin: “Yuck! Kadiri!” Pero, hindi ba mas kadiri yung spiritual vomit na naisuka na dahil marumi, pero binabalik-balikan pa rin ng mga Kristiano?

Wala nang excuse ang mga anak ng Dios. Kailangang panindigan natin yung kalayaan na ibinigay ng Panginoon. Hindi na tayo dapat kukubli-kubli sa dilim. We should live as children of light. Many Christians stay in the dark kasi akala nila hindi makikita ang kasalanan nila. Kitang-kita ni Satanas yan dahil siya ang hari ng kadiliman. Lalo namang kitang-kita yan ng Panginoon dahil siya ay liwanag. Walang dilim-dilim sa kanya.

Niloloko natin ang ating sarili pag gumagawa tayo ng kasalanan at inaakala nating hindi tayo bistado. Hindi tayo puedeng maglaro sa pagitan ng dilim at liwanag. If you are a child of light, live as a child of light. Huwag nang mamili. Ang mga totoong mananampalataya ay hindi na namimili between good and bad. Ginagawa lang yun ng mga hindi mananampalataya. Ang dapat pinagpipilian na lang natin ay ito: the good, the better or the best. Hindi na bagay na kasama yung bad sa choices. Ang bad choices ay parang bad cholesterol. Dapat nang burahin sa menu.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

LAGING HANDA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Malachi 3:7
“Ever since the time of your forefathers you have turned away from my decrees and have not kept them. Return to me, and I will return to you,” says the LORD Almighty.

Ganito ang gawi ng tao – lalayo sa Dios at pag makakadama ng mga kung anu-anong sakit, hirap, alalahanin, bagay na wala sa lugar, pagpapalang hindi dumarating, bigla siyang matatauhan, magsisisi at babalik sa Dios. Pagkatapos na muling tumanggap ng pagpapala, makakalimot na naman at magpapaikut-ikot na lang ang kwento. Ang sumbat ng Dios, “Panahon pa ng mga ninuno nyo, ganyan na kayo. Kinakalimutan ninyo ang aking mga utos, tinatalikuran ninyo ang ating mga usapan kaya tuloy napapahamak kayo.” Hindi dapat ganun ang pakikitungo sa Dios. Pero kung magkaganun man, ang puede nating ipagpasalamat, hindi siya nagsasawang magpatawad.

Napakaganda ng pangako ng Dios. At lalo nating mapapahalagahan ang pangakong yan kung naranasan na nating nakipagsira sa kapwa. Nag-away kayong magkasintahan. Naghiwalay kayong mag-asawa. Nagkasamaan kayo ng loob ng kapatid. Nagkagalit kayong magkaibigan At nang gusto na nating makipagbalikan dahil naisip nating mali ang ating nagawa at kailangan natin sila sa ating buhay, mahirap yun. Tayo na ngayon ang nakikiusap pero ayaw na tayong tanggapin. Hindi ka sure kasi hindi mo alam kung mahal ka pa, kung sobra nang nasaktan o nagalit na at ayaw na talaga sayo.

Pero ang Dios lagi tayong mahal kahit tayo hindi kamahal-mahal. There’s a door that is always wide open for us. Lagi nya tayong gustong makasama kahit madalas tayo ang lumalayo sa kanya. Lagi siyang handang makipagbalikan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

TUWING PUEDE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 11:8
However many years a man may live, let him enjoy them all. But let him remember the days of darkness, for they will be many.

Every day must be enjoyed. Gigising ka sa umaga na wala kang problema, magpasalamat ka at magdiwang! Kasi minsan paggising mo, may namatay kang kamag-anak. Iniwan ka na pala ng asawa mo. Nagda-drugs pala ang anak mo. Nalugi ang iyong negosyo o natanggal ka sa trabaho.

Sabi ng Biblia, kung may pagkakataon kayong sumaya, magsaya na kayo. Huwag ninyong limutin na maraming araw ang nakatakda na maging malungkot. Pag dumating ang nakatakdang araw na yun, at hindi mo kayang iwasan, doon ka na lumungkot. Pero habang wala kang malaking dahilan para maglungkut-lungkutan dyan, pasayahin mo ang sarili. Kung ang liit-liit na bagay ay ipaglulungkot mo, pag dumating ang malaking bagay na mas ikalulungkot mo, hindi ka na makakatapos sa lungkot na yan.

Kung dumating ang araw na wala kayong disaster, di kayo nasunugan, di kayo lumubog sa lahar, di kayo inano ng tsunami, di kayo kinagat ng asong may rabies, di kayo natuklaw ng ahas, walang namatay sa inyong pamilya, ipagdiwang ninyo ang araw na yun. Ang mga binanggit natin ay puedeng mangyari. At pag nangyari ang mga ito, dun kayo maging malungkot.

Remember the days of darkness for they will be many. That’s why you must take every opportunity to be happy. Seize them and be happy because it won’t always be like that. Magsaya tuwing puede.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

BLESS YOUR TEACHERS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Galatians 6:6
Anyone who receives instruction in the word must share all good things with his instructor

Yun bang mga Sunday school teachers nyo, mga deacons nyo, yung leader nyo, yung pastor nyo, nasi-share-an nyo ba ng blessing? Why should you share? Because you are busy producing wealth. E, ang mga teachers naman natin ay nahihiya itong ituro. Bakit? Dios naman ang may sabi, di ba? E di ituro!

Pag ang ating mga instructors in the word of God are happy and fully supported, mas inspired silang mag-aral at magturo. Mas inspired sila to pray for you. Pero pag pinabayaan natin ang ating mga missionaries, teachers at workers, they might also produce wealth and abandon you. Walang magfi-feed sa inyong spiritual need. If you expect excellence from the pulpit, give excellence from the pew.

Alam nyo kung ano ang kadalasang isini-share ng mga church people sa kanilang instructor? All the bad things. Asahan mo pag dumating sayo, may problema yan. “May problema po ako. Maghihiwalay na kaming mag-asawa. Ano ang gagawin ko?” “Hindi ko makayanan ang matrikula ng aking mga anak.” Bihirang-bihira yung darating na may dalang good news. “Heto po ang pinya.”

Be thoughtful of all workers. Minsan, nagreregalo kayo sa pastor. But think of those who are not remembered. Ang mga staff who support the pastor. Be kind to your Sunday school and home Bible study teachers. Support them. Encourage them.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

A PRAYER GIFT CERTIFICATE?!

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

James 5:16
Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of the righteous man is powerful and effective.

Humingi tayo ng dalangin ng mga kapatiran para sa atin. Malaking blessing yun. Noong araw may nakilala akong isang pamilyang may kaya. I couldn’t think of any material thing to give them that they don’t have yet.

Isang Pasko, gumawa ako ng prayer gift certificate at ibinigay ko sa kanila. Di ba may gift certificates sa mga department store? Ito naman ay prayer gift certificate at nakalagay doon: “This gift certificate entitles you to be prayed for every Saturday of this year.” Alam kong nakatanggap sila ng kay dami-dami na kung anu-anong regalo.

Sabi nila sa pinadalang thank you card: “Your gift was the best we’ve received in all our life.” Naisip ko, “Tama, if there’s someone praying for me every Saturday for the whole year, that’s what I really want and need. Di ito tulad ng kung anu-anong mga burda-burdang nagkatastas-tastas na. Mga ibinigay na kung anu-ano na nagkabasag-basag na.” Siguraduhin lang na tutuparin mo yun.

Being prayed for is the best gift. Paano kayo maipagpi-pray kung kayo’y naglalakas-lakasan? Kailangan, nagsasabi din kayo sa kapwa na mapagkakatiwalaan naman. “Heto ang aking kailangan. Dito ako mahina… Ipag-pray mo ako.” Yan ang ministry natin na napakahalaga sa isa’t isa. At kung naiinis kayo sa isang tao, subukan ninyong ipag-pray siya. Huwag nyong ipag-pray na tamaan ng kidlat, ha? Ipagpray nyo ang mabubuting bagay na inyong makikita at pati ang loob ninyo’y nagbabago. Prayer changes them and us.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.