DAPAT CONVENIENT

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 10:10
If the ax is dull and its edge unsharpened, more strength is needed but skill will bring success.

Kung ang iyong palakol, kutsilyo o gulok ay hindi matalim, kailangang pataliman para hindi ka mahirapan. Hindi yung pagod na pagod ka na, tumulo na lahat ng pawis mo sa ginagawa mo, kasi yung panghiwa mo hindi matalim! Dito mo makikita yung good housekeeper, kung may hasaan sya sa bahay. If you don’t maintain your tools, your work will be more difficult.

Some people are smart and they know what to do. They sharpen their tools. Meron namang mga tao na lagi na lang masakit ang batok. Dalawampung taon nang masakit ang batok dahil yung unan mali. Ba’t hindi palitan ang unan?

Marami ba kayong tabo sa bahay? Maliban na lang if you always have an abundant supply of water from the faucet which is rare in this country, dapat marami kayong tabo. Kung ang tabo nyo sa lababo ay tabo rin sa banyo at sa toilet, walang kwentang housekeeper ang isang babae. Marami ba siyang basahan? May pangkamay, pangmesa, pangplato o pansahig? O isa lang para sa lahat na yon? Tuwalya pa kung minsan yun, ha? May mga banyo ni wala kang pagsabitan ng mga hinuhubad mo’t isusuot mo. O kaya may sabitan nga, pag naligo ka basa naman yung isinabit mo.

Kaya’t pag nakita mo yung bahay ng mga taong matatalino kahit hindi sila mayaman, convenient ang kilos. A wise person will rearrange his or her environment for his or her convenience. Hindi mo lang tinatanggap yung environment na ganun, iniiba mo ito para maging maginhawa ka. Dapat convenient.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

MAY LUGAR

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 15:22-24
“But the father said to his servants, ‘Quick! Bring the best robe and put it on him. Put a ring on his finger and sandals on his feet. Bring the fattened calf and kill it. Let’s have a feast and celebrate. For this son of mine was dead and is alive again; he was lost and is found.’ So they began to celebrate.”

Family membership is a birthright. Family membership is not to be earned or lost through performance, because in the family there must be unconditional love.

Family members are not to be pressured to “perform.”

Welcome lang ba ang members ng family kung maidadagdag kang ningning, ganda at reputasyon, pero pag sila na yung sumisira dito hindi na welcome? Ang pamilya, tulad ng church, ay isa ring hospital. Dahil ikaw ay maysakit, you are very welcome. Kaya kung may mga miembro na nagkakamali, tinatanggap kapag bumabalik.

Kung ang anak nyong dalaga ay nagdalangtao ng walang asawa, sasabihin nyo bang, “Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Hindi kami marunong magturo sayo bilang magulang?” Hindi ba dapat, “Paano ka na, anak? Nalulungkot ka ba? Kawawa ka naman. Iniwan ka ng pinagtiwalaan mong lalaki na yan. Ano ang nararamdaman mo? Nahihilo ka ba? Naglilihi ka ba?” Hayaan nyong pag-usapan kayo ng mga kapitbahay. Pagkaraan ng isang linggo, may iba na naman silang buntis na pag-uusapan.

May lugar ang mga sisihan at pagtutuwid pero hindi naman siguro sa oras na kailangang-kailangan tayo ng ating nagkabigu-bigo at nagkamali-maling anak.

May tinatagong kabulukan at baho ang bawat pamilya. We may not be perfect, but we can offer unconditional love.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

FRIENDS FOREVER

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Samuel 18:3-4
And Jonathan made a covenant with David because he loved him as himself. Jonathan took off the robe he was wearing and gave it to David, along with his tunic, and even his sword, his bow and his belt.

Si Jonathan ang anak ng hari na si Saul. David was the next anointed one to be king. When Saul realized this, he wanted to kill David many times. Kahit naging kaaway na mortal ng kanyang ama ang kaibigan nyang si David ay hindi pinayagan ni Jonathan na masira ang friendship nila dahil lamang sa kabulagan ng kanyang ama. This is a covenant friendship.

Hindi yung magkaibigan kayo, tapos nagkagalit ang mga nanay nyo. Kayo naman ay magkagalit na rin. Ang babaw nyo naman. Friendships are to be covenant relationships. Can you imagine how much life would be nicer if you knew that you have covenant relations with your friend? Even if you have just two or three friends bound by a covenant relationship with you, it will make you feel so good and so secure.

Merong hangganan ang maraming friendships. Friend kita pag banal ka pero pag nag-backslide ka, sorry na lang. Our friendships should not depend on the performance of the other person. Kahit ano pa ang mangyari sayo, kahit tubuan ang buong katawan mo ng kulugo, friend pa rin kita. Pag friend kita, no conditions. Covenant friendships are unchangeable and everlasting. Kung ang covenant relations ng Dios sa atin ay nilagyan nya ng conditions, hindi tayo papasa.

Do you have a covenant friend? If you do, keep them. If you don’t make friends.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

NO NEED TO CARRY THAT WEIGHT

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Romans 8 :1
Therefore, there is now no condemnation for those who are in Christ Jesus.

Minsan, may mga taong sobrang nagiging relihiyoso, mahilig mag-ambag, mag-abuloy, magbigay kasi ang nais pala ay magbayad-bayad ng mga utang sa Dios. Pero hindi ito ang marapat na gawin. Kung meron tayong malalalim na naging mga kasalanan, hindi nakukuha sa pagdo-donate yan para mawala yun. Hindi nakukuha yan sa pagbibigay sa mga charity, pagpapahirap sa sarili, paghahampas at pagpapakasakit.

Ang Panginoon ay hinampas na, nasaktan na, pinatay na dahil sa atin at tayo ay mapapatawad kung sisilong tayo sa kanyang anino at magpapalinis tayo sa kanyang dugo. Hindi ito nababayaran. Sapagkat kung kayang bayaran ang ating kasalanan, bakit pa nagbayad ang Panginoong Hesus? Mabuting matulungin tayo at palaambag sa mga gawain ng Panginoon. Pero kung ginagawa natin yan na pambayad-utang at pampaluwag ng masikip na loob lamang, hindi yan magiging sapat kahit kailan.

We must be free from our past. And the only way to do that is to receive God’s forgiveness and for us to forgive ourselves. Tunay na kalayaan ang nararanasan ng nagpapatawad at ng pinatatawad. Kaya kung tayo yung may kasalanan at pinatawad natin ang ating sarili dahil pinatawad na tayo ni Kristo at tinalikuran na natin ang kasalanan na yun, dobleng benepisyo. You don’t have to carry the weight of the burden of guilt. The Lord already carried those things on the cross.

Charge it to the cross so we can live again, have a new life and a new beginning, so we don’t have to be afraid of our own shadow.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

HINDI BAGAY

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 6:31-32
“So do not worry, saying, ‘What shall we eat?’ or ‘What shall we drink?’ or ‘What shall we wear?’ For the pagans run after all these things, and your heavenly Father knows that you need them.”

Sabi ni Hesus, “Huwag kayong mag-alala sa mga bagay na yan dahil worrying is for godless people.” Ang pag-aalala ay di bagay sa mga anak ng Dios. Bagay lang yan sa mga di nakakikilala sa tunay na Dios.

Parang wala naman tayong Dios. Parang wala tayong Ama sa langit. Parang wala tayong Tagapagligtas. Parang walang Banal na Espiritu na umaaliw sa ating lumbay at sumasama sa ating pag-iisa. Ang anak ng Dios ay talagang di nag-iisa kailanman sapagkat ang Dios ay nananahan na sa ating puso.

Alam nyo ba ang pinakamalaking redemption at rescue plan in human and cosmic history? That God became man to save us from condemnation. Tayo ba ang nagsabi sa Dios, “Dios, magkatawang-tao naman kayo. Akuin nyo ang lahat ng aming mga kasalanan. Lahat ng kaparusahang dapat kong tanggapin, pakitanggap nyo nga. Pagkatapos, pakibigay nyo sa amin ang inyong kabanalan para kami ang maging banal at kayo ang maparusahan, at kami’y maligtas. Bayaran nyo nga ang lahat ang utang namin”?

Ideya ba natin yan? Hindi. Yan ay ideya ng Dios. At kung Dios ang nag-isip na siya’y magkakatawang-tao para bayaran ang ating mga kasalanan, kailangan pa ba natin siyang himukin na maging mabuti sa atin at magbigay ng pagkain at ng mga kailangan natin? Napakasimpleng bagay ang mga ito. Unawain ito, namnamin at ipamuhay, at napakalaking bigat ang mawawala sa ating mga dala-dalang alalahanin sa araw-araw.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.