Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 17:16
Of what use is money in the hand of a fool, since he has no desire to get wisdom?

Anong katuturan ng pera kung ang mayhawak ay hindi marunong? Isa sa mga praktikal na bagay that we can learn is not to give money to fools. Pipiliin nyo ang bibigyan nyo ng pera. Bibigyan nyo ba ang marunong o hindi marunong? Baka masayang lang ang pera nyo kung hindi sa marunong ibibigay.

“Anong bibilhin mo, anak? Bread ba? Nakakabusog, nakakapagpatalino, nagbibigay ba ng comfort?”

“Drugs po, Mommy, to get my fix.”

Maraming tao ang hindi marunong mag-handle ng pera. Nung yumaman, bumili ng condo para dun itago ang tatlong kerida, tigi-tig-isang floor para hindi nga naman nagkikita-kita! Ganun ba ang paggamit ng pera? Kung binibigyan tayo ng Panginoon ng pera, anong nangyayari sa atin? Nagiging mataas at mayabang ba tayo? So ano ang ginagawa ng Dios? Binabawi! Dahil ang sabi ng Bible, of what use is money in the hand of a fool? Gusto ng pera ang taong marunong.

Kaya dapat maging matalino tayo at tama ang ginagawa natin para nadadagdagan ang pera. Sino ba ang nilalapitan ng pera? Siempre ang mga marurunong. Yung marunong maghanapbuhay, marunong magtiyaga, at marunong magnegosyo.

Marami siguro tayong mga kakilala na nagkandahirap-hirap ang mga lolo’t lola para magpundar. Yung mga anak naman itinuloy ang konting negosyo. Pero yung mga apo na hindi na kilala ang mga lolo’t lola na nagpundar–gasta dito, gasa doon; benta dito, benta doon. Ubos! Kasi hindi talaga bagay ang pera sa hindi marunong. Kung gusto nating magkapera at ma-maintain ito we must continue to be wise para hindi mabawi.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.