Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 22:26-27
Do not be a man who strikes hands in pledge or puts up security for debts; if you lack the means to pay, your very bed will be snatched from under you.

What does the Bible say about becoming a guarantor—yung maging co-maker, taga-garantiya, o tagapanagot sa utang ng iba?

People who strike their hands for another person’s responsibility, ayon sa Bible, lack good judgment. Bakit dapat pag-aralan? Darating kasi ang pagkakataong may lalapit sa atin para kunin tayong guarantor. May mga bago pa lang nagnenegosyo ang lalapit sa atin. “Gagawin naman kitang guarantor.” Tayo naman dahil gusto nating makisama, payag agad. Pero ano raw ang ibinubunga nito?

You become trapped. Ang guarantor ng utang ng iba ang siyang nahuhulog sa bitag. At siguradong pagdurusa at pagtitiis ang kasunod nito. Ang mahilig maggarantiya, siyang nahuhubaran ng lahat-lahat. Hanggang higaan mo o papag o banig o malong na tinutulugan ay mawawala kapag mahilig kang mag-garantiya sa utang ng iba.

Kaya ano ang dapat gawin? Malinaw ang paalala ng mga verses: do not do it! At kung minsang nagawa na, huwag nyo nang uulitin. Hindi mo kasi alam kung ano ang gagawin bukas ng gagarantiyahan mo. Paano kung magkaroon ng pangangailangan ang mga mahal mo sa buhay pero hindi mo masagutan dahil nakatali sa iba?

Huwag din nating ilagay sa alanganin ang iba by asking them to make guarantees for us. To say that I will guarantee you in the next 25 years is to presume that there will always be love between the two of you. Paano kung wala na?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.