Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Deuteronomy 8:18
“But remember the LORD your God, for it is he who gives you the ability to produce wealth, and so confirms his covenant, which he swore to your forefathers as it is today.”

Kung mahirap tayo ngayon ay mag-isip-isip tayo kung bakit. Hindi gusto ng Dios na tayo ay maging mahirap. Lumikha ang Dios ng napakaraming papaya sa planetang ito para makain natin, pero yung mga walang pananampalataya ang kumakain dahil hindi natin ma-afford ang papaya. Kaya siya lumikha ng magagandang beaches ay para ma-enjoy ng kanyang mga anak. Pero ang mga di mananampalataya ang nag-e-enjoy ng lahat ng mga beach resort sa mundo.

Hindi siya lumikha ng napakasasarap na chemistry ng pagkain at mga putahe para lang ipakain sa mga hindi sumasampalataya at sa mga sumisira ng kanyang pangalan. Pero bakit wala sa sikmura ng mga Kristiano ang mga pagkaing ito? Because we have poverty mentality!

Hindi ba tayo nababagabag na kung nakakakita tayo ng mga pulubi at mga naghihirap ay ni hindi na nahihirapan ang ating loob dahil sobra na tayong nasanay na tumitig sa kahirapan? It’s time for Christians to rise up and grab the wealth through honest and hard work. Enough of poverty in this country!

Kailan pa ito matatapos? Pag ang kayamanan ng mundong ito ay hawak na ng mga Kristiano upang matulungan ang mga mahihirap. Doon pa lang magkakaroon ng tunay na kalayaan mula sa kahirapan. The wealth of this planet must be in the hands of God’s people. And for a start, kiss your poverty mentality goodbye. Stop thinking, stop behaving, stop living like poor men.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.