INIIWASAN YAN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 20:3
It is to a man’s honor to avoid strife, but every fool is quick to quarrel.

Karangalan ng isang taong umiwas sa gulo pero ang bawat hangal ay napakahilig makipag-away. Ang iba ay naghahanap pa nga ng away. Maglalasing pagkatapos ay sisigawan ang mga kapitbahay, “Hoy! Kung sino ang mga tunay na lalaki dyan, lumabas kayo at maglabanan tayo dito!” Fool daw ang ganun. Hindi yung komo natapakan kayo ay tatapakan nyo na rin. Sa mga bata na lang, magguguhit sa lupa, “O, sige nga, ang matapang sa inyo tapakan ito!” “O, pitikin mo ang tenga nya.” “Batukan mo siya.” Ang mga utu-uto naman pinu-prove na sila’y matapang. Babatukan nga. Away na. Mamaya yung mga nanay kung ganun din kakitid ang utak, kasama na rin sa away. Mamaya, pati mga tatay. Mamaya, ubusan na ng angkan.

Ang matatalino at mararangal na mga tao ay umiiwas sa gulo. You don’t pick every quarrel. Hindi lahat ng tao ay papatulan mo. Hindi dahil pino-provoke ka ay magagalit ka nga. Ang taong napakadaling galitin ay walang sariling pagkatao. Kung ano pala ang gawin ng kapwa nya, nagri-react lang siya. Ginalit siya, nagalit nga. Niyaya, sumama naman. Walang sariling bait. Ang taong determined not to be angry, kahit ginagalit ng kapwa, determinadong hindi magalit. Ang desisyon ay nasa atin. You want to be blessed? Avoid quarrels because your enemies will always have a way of destroying you now or later.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

TOO HEAVY TO FLY

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Peter 2:11
Dear friends, I urge you, as aliens and strangers in the world, to abstain from sinful desires, which war against your soul.

What’s wrong with lust? Excessive and misplaced lust prevents man from following God. Lust fools and keeps man imprisoned and enslaved by his body.

Hindi na magawang maging banal dahil tuwing may dumadaang sexy ay nalilito. A-attend ng prayer meeting, pagkatapos pag nakabanggaan lang ng tuhod yung prayer partner ay napapapikit na at nawawala sa sarili. Pupunta sa church, pero pagka may nakitang kaakit-akit lumilipad ang utak at habang umaawit ng hallelujah ang lahat, sari-saring mga fantasy naman ang pumapasok sa kanyang isip. Paano aasenso ang isang lustful person kung nakapako lang siya sa lupa at hindi makaangat?

This is why lust can be an enemy of spirituality. Lust is imprisonment. It renders paralysis to the spirit because it can stunt spiritual growth. Bakit? Maraming oras ang nauubos sa paghahanap ng sexual pleasures. Paroo’t parito sa dilim, naghahanap ng matitisod. Tatawid sa napakaraming bundok makarating lang sa kerida. Tinatago nang tinatago ang mga lihim at illicit activities. Dapat kontrolin at ipasakop sa Dios ang ganitong kalagayan.

Kasi parang ferris wheel ang buhay ng mga taong nahuhumaling sa layaw ng katawan. Ikot lang nang ikot pero walang nararating. Paano tayo makakapagbulay-bulay kung lagi na lang tayong naghahabol sa ating mga pagnanasa? Sayang ang panahon. Sayang ang pera, sayang ang lahat-lahat. Dapat ang buhay ay pataas nang pataas patungo sa kaharian ng Dios. But how can one fly when one is weighed down by the very heavy baggage of lust?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

BINGI-BINGIHAN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Timothy 5:13
…They get into the habit of being idle and going about from house to house. And not only do they become idlers, but also gossips and busybodies, saying things they ought not to.

Marami sa atin ang walang galang sa privacy ng iba. Nakikinig tayo sa mga private conversations. Hindi naman tayo kasali sa usapan pero sumasabat. Binabasa natin ang sulat ng iba. Binubuksan ang cell phone at nakikibasa ng texts ng may text.

Ano ang gagawin nyo kung sa gitna ng pakikipag-usap nyo sa isang tao ay nag-ring ang telepono nya at kailangan nyang sagutin? Ang tamang gawin ng sibilisadong tao ay tumayo, lumayo, tumingin sa painting o sa langit, magbilang ng paru-paro, mag-imbento ng magagawa o magbingi-bingihan so you don’t hear the conversation. Yun ang ginagawa ng matinong tao. Pero yung iba, sumisingit pa, “Ano daw?”

Pag hindi inyo ang cellphone, hindi nyo dapat binabasa ang laman nyan, liban na lang siguro kung asawa kayo at meron kayong duda na ang ka-textmate ay threat sa inyong pagsasama. Pero on all other counts, you should also give your spouse privacy. Yung pakikitungo nya sa kanyang mga kamag-anak, kaibigan, empleyado o kasama sa trabaho, may privacy siya dapat don. Ang puede lang panghimasukan ng isang asawa ay kung merong panganib na may nang-aagaw sa kanyang asawa.

 

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

HOW TO LOVE YOUR ENEMY

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 6:27-28
“But I tell you who hear me: Love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you.”

Love your enemy. If you love those who love you and hate those who hate you, even ungodly people do that. But because you are children of the Most High God, love your enemy. Ngayon, sasabihin mo, “Napaka-imposible naman na love yan. Alangan namang ma-miss ko siya, alangan namang bigyan ko siya ng bulaklak, alangan namang suotan ko siya ng kuwintas.”

To love means to be committed to the well-being of another person, whether or not you feel good about the person. Kung sa ating loob ay determinado tayo na gagawa ng mabuti sa kanya, ibig sabihin ay mahal natin siya. Yan ang godly love as defined in the Bible; it need not be romantic nor emotional.

Habang ipinapako ang ating Panginoong Hesus sa Golgotha, siya’y umuusal ng panalangin. Hindi nya idinadalangin ang kanyang sarili kundi ang mga nagpapako sa kanya. Hindi nya sinasabing mamatay sana sila, manigas sana sila. Ang sabi nya, “Father, forgive them for they do not know what they do.” This is Christ’s example.

Kung Kristiano ka, dapat ganoon ka. Kung maganda ang panalangin mo sa gumagawa ng mabuti sayo, at masama ang panalangin mo sa gumagawa ng masama, ano ang ipinagkaiba mo sa karaniwan? Pati mga anak ng demonyo ay marunong ding gumawa ng mabuti sa gumagawa ng mabuti sa kanila. Subalit ang anak ng Dios ay nakagagawa ng mabuti sa gumagawa ng masama.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

PAGANDAHIN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 13 :1
Keep on loving each other as brothers.

Ang brother, kapatid. Ka-patid yun kapag napatid. Ibig sabihin karugtong. Part of the same umbilical cord, karugtong ng pusod, iisa. Ang ganda-ganda ng word na ‘kapatid.’ Tingnan nyo yung ‘kaibigan,’ nandoon yung word na ‘ibig,’ nag-iibigan kayo, kaibigan. Our words are infinitely superior in meaning. When the Tagalog uses the word ‘ka’ ibig sabihin, it connects, kaisa, kababayan. It’s a beautiful word. Bagay na bagay gamitin sa covenant relations.

Sa tingin nyo ba, kaibig-ibig kayo? Alam natin ang ating ugali, di ba? Alam natin kung ano ang ugali nating nakaiinis. Kaya nga kung minsan may kaibigan tayong nagtatagal. Yung asawa natin nagtatagal, kahanga-hangang mga tao. Ganun din ang Dios, nagtatagal siya sa atin dahil nagdesisyon siyang magtagal. Walang kondisyon. Kaya dapat sa asawa, sa kapatid, sa kaibigan natin, walang kondisyon. All the days of our lives.

Did you know that the covenant relationship of the brother and sister in the Lord is the only permanent human relationship? Pagdating natin sa langit pag kasama na tayo ng Dios, wala nang mag-asawa, wala nang mag-ina, wala nang mag-tiya, lahat tayo magkakapatid sa Panginoon. Our relationship with our brother and sister in the church is the only relationship that we will carry to eternity, everything else will end.

Kaya, ngayon pa lang pagandahin na.

 

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.