Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 20:3
It is to a man’s honor to avoid strife, but every fool is quick to quarrel.

Karangalan ng isang taong umiwas sa gulo pero ang bawat hangal ay napakahilig makipag-away. Ang iba ay naghahanap pa nga ng away. Maglalasing pagkatapos ay sisigawan ang mga kapitbahay, “Hoy! Kung sino ang mga tunay na lalaki dyan, lumabas kayo at maglabanan tayo dito!” Fool daw ang ganun. Hindi yung komo natapakan kayo ay tatapakan nyo na rin. Sa mga bata na lang, magguguhit sa lupa, “O, sige nga, ang matapang sa inyo tapakan ito!” “O, pitikin mo ang tenga nya.” “Batukan mo siya.” Ang mga utu-uto naman pinu-prove na sila’y matapang. Babatukan nga. Away na. Mamaya yung mga nanay kung ganun din kakitid ang utak, kasama na rin sa away. Mamaya, pati mga tatay. Mamaya, ubusan na ng angkan.

Ang matatalino at mararangal na mga tao ay umiiwas sa gulo. You don’t pick every quarrel. Hindi lahat ng tao ay papatulan mo. Hindi dahil pino-provoke ka ay magagalit ka nga. Ang taong napakadaling galitin ay walang sariling pagkatao. Kung ano pala ang gawin ng kapwa nya, nagri-react lang siya. Ginalit siya, nagalit nga. Niyaya, sumama naman. Walang sariling bait. Ang taong determined not to be angry, kahit ginagalit ng kapwa, determinadong hindi magalit. Ang desisyon ay nasa atin. You want to be blessed? Avoid quarrels because your enemies will always have a way of destroying you now or later.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.