Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Timothy 5:13
…They get into the habit of being idle and going about from house to house. And not only do they become idlers, but also gossips and busybodies, saying things they ought not to.

Marami sa atin ang walang galang sa privacy ng iba. Nakikinig tayo sa mga private conversations. Hindi naman tayo kasali sa usapan pero sumasabat. Binabasa natin ang sulat ng iba. Binubuksan ang cell phone at nakikibasa ng texts ng may text.

Ano ang gagawin nyo kung sa gitna ng pakikipag-usap nyo sa isang tao ay nag-ring ang telepono nya at kailangan nyang sagutin? Ang tamang gawin ng sibilisadong tao ay tumayo, lumayo, tumingin sa painting o sa langit, magbilang ng paru-paro, mag-imbento ng magagawa o magbingi-bingihan so you don’t hear the conversation. Yun ang ginagawa ng matinong tao. Pero yung iba, sumisingit pa, “Ano daw?”

Pag hindi inyo ang cellphone, hindi nyo dapat binabasa ang laman nyan, liban na lang siguro kung asawa kayo at meron kayong duda na ang ka-textmate ay threat sa inyong pagsasama. Pero on all other counts, you should also give your spouse privacy. Yung pakikitungo nya sa kanyang mga kamag-anak, kaibigan, empleyado o kasama sa trabaho, may privacy siya dapat don. Ang puede lang panghimasukan ng isang asawa ay kung merong panganib na may nang-aagaw sa kanyang asawa.

 

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.