MOVE FORWARD

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 17:3
“So watch yourselves. If your brother sins, rebuke him, and if he repents, forgive him.”

Forgiveness for mistakes committed against us does not mean giving the perpetrator another chance to be destructive. Ang pagpapatawad ay pagbubura ng utang. Pero hindi nito ibig sabihin na lilimutin na natin ang lahat, magpapatuklaw na naman tayong muli sa kanya, at paulit-ulit na naman nyang gagawin ang mga kamalian nang wala man lang tayong kadepe-depensa. Dapat din tayong natututo. Nagpapatawad tayo, pero hindi nangangahulugang bibigyan na naman natin ng chance na sirain nya ang kanyang sarili, ang iba, at maging tayo nang wala man lang paghahanda.

Kung tinuturuan tayong magpatawad sa iba, lalo namang dapat ay marunong din tayong magpatawad sa ating sarili. Lumapit tayo sa Dios. Magsisi. Magbagong-loob. And then, pick up the pieces and live again. Binibigyan tayo ng Dios ng walang-katapusang pagkakataon para baguhin at ayusin ang ating buhay. Hindi siya basta-basta nagsasara ng pinto ng langit kanino man sapagkat habang ang tao ay handang magpasakop sa Dios, handang kilalanin ang mga pagkakamali at handang magsisi, handa rin naman ang Dios magbigay ng kanyang biyaya.

Napakabait ng ating Dios. At habang pinapahiram pa tayo ng Dios ng buhay, meron pa tayong pag-asang ayusin ito. Hindi tayo dapat maging bilanggo ng mga pagkakamaling matagal nang nangyari. Hindi tayo dapat laging nakagapos sa mga pagkakamaling pinagsisihan na. God restores. Binubuo nya ang mga basag. Itinutuwid nya ang mga liko. Itinatama nya ang mga mali. So we can move forward.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

BE USEFUL

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Corinthians 11:9
And when I was with you and needed something, I was not a burden to anyone, for the brothers who came from Macedonia supplied what I needed. I have kept myself from being a burden to you in any way, and will continue to do so.

Be a pleasure to be around, HUwag maging pabigat. May mga tao na pag pumasok sa buhay mo, iisa lang ang dialogue. “Give me. Comfort me. Feed me. Take care of me. Encourage me.” That drains your energy so you will choose not to be around them too much. Sila ngayon ang nawawalan.

Dapat lagi tayong useful. Kapag may ibinibigay sa atin ang kapwa, meron din tayong ibinibigay in return. Tinutulungan nila tayo in one area, susuklian naman natin ng tulong in another area. Hindi puedeng kabig na lang tayo nang kabig kahit wala naman tayong taya. Napakahirap nung nagpapakain na e, ikaw pa ang magliligpit at mag-e-entertain. Hindi ka man lang tinutulungan.

Kung tayo ay tumatanggap ng kabutihan mula sa ating kapwa, lalo pa sa panahon ng ating pagkakasakit at panghihina, tiyakin natin na sa panahon naman ng ating kalakasan, tayo naman ang tumutulong at nagbibigay. Kung may potluck event at lagi na lang tayong dumarating na walang kadala-dala dahil talagang walang-wala tayo, okey lang. Pero tiyakin naman natin na pag tayo ay nagkaroon, magdadala tayo kahit tatlong sinigwelas o kalahating santol para makita man lang ng tao na meron rin tayong intensyong mag-contribute. Useful people are winners because even those who help them benefit.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

MORE PA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ephesians 4:28
He who has been stealing must steal no longer, but must work, doing something useful with his own hands, that he may have something to share with those in need.

Sabi ni Paul, “Kailangang magbago na ng style. Yung hindi nagtatrabaho, magtrabaho! Yung mga nagtatrabaho, mas magtrabaho pa.” The teaching is that you should not only work to have something for your need, but you should produce more than what you need so that you will have something to give to those who are in need.

Ang Panginoon na nagbibigay sa atin ng blessings gives para tayo mag-enjoy at magkaroon ng mga provisions. Pero higit dun, gusto rin nyang marunong tayong mag-invest. Napaparami natin at hindi sapat na kumikita lang.

Makikita mo kung minsan ang isang taxi driver na ang taxi’y nakaparada na sa ilalim ng puno habang nakataas ang paa sa bintana at natutulog na.

“Bakit ka natutulog?”

“Naka-boundary na ako.”

Tama na sa kanya ang maka-boundary. O, bakit magsisine na itong tindera sa palengke? “Kinita ko na ang pambayad sa puwesto ngayong araw na ito.” O, bakit ito namang tubero ay tapos na agad magtrabaho? “E, tama na yung kinita ko ngayon. Mag-inuman na tayo, Enjoy-in na natin.”

Sabi ng Bible, kailangang kumita ka ng higit sa kailangan mo para pag may nangangailangan meron kang maibibigay, hindi yung sapat lang para sayo.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

MINISTRY OF THE RICH

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Timothy 6:9-10
People who want to get rich fall into temptation and a trap and into many foolish and harmful desires that plunge men into ruin and destruction. For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs.

Ano ba ang sinasabi ditong root of all kinds of evil? Hindi money, kundi love for money. Dini-dios ang pera. Pero hindi natin gagawing Dios ang pera. Make money your slave but not your master. Ang isang napakalaking frustration ay yung gusto mong magbigay sa pangangailangan ng kapwa pero wala kang maibigay. Napakasarap magbigay. So be rich, but not filthy rich. Be righteously rich.

Bakit sinabi ng Panginoon sa mayamang lalaki sa Matthew 19 na ibenta nya ang lahat ng kanyang kayamanan at pag wala na siyang pera ay bumalik sa Panginoon at maging disciple nya? Alam nyo kung bakit? Sapagkat alam ng Panginoon na pera ang kinikilalang dios ng lalaking ito. Kaya sabi ni Lord, “Hindi ka puedeng maglingkod sa akin kung yan ang dios mo. Tanggalin mo ang iyong dios-diosan saka ka maglingkod sa akin.” Bakit na-maintain ni Nicodemus ang kanyang wealth at siya ay naging alagad ng Panginoon? Sapagkat hindi naging karibal ng Dios yung wealth nya. Kaya kung mayaman ka at hindi mo dini-dios ang pera, hindi hinihingi ng Dios na tanggalin mo yan.

Wealthy people have a very special ministry—the ministry of giving. Kaya huwag nating sabihing, “Naku, hadlang sa paglilingkod ang kayamanan.” Ang dapat nating tanggalin ay ang sobrang poverty that victimizes us dahil sobra na nating na-glamorize.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

TUNAY NA MAY-ARI

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Haggai 2:8
“The silver is mine and the gold is mine,” declares the LORD Almighty.

Kung iisipin natin, pera ang napakatagal na nating kasama at ka-partner sa buhay, bukod sa tao. Maraming tao ang bihira lang magka-Bible, o kamakailan lang nagka-Bible pero simula’t simula pa’y may pera na. Maski magkano. It is an inevitable part of our lives Kaya napakahalagang suriin kung ano ang tamang attitude at pagtingin natin sa pera.

Dapat nating alalahaning lahat ng salapi ay pag-aari ng Dios. Ang Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kakayahang kumita at magkaroon ng kayamanan. Siya ang nagbibigay ng kakayahan sapagkat sa kanya lahat ng kayamanan. Meron bang ipinanganak na may bank account na? May alahas na? Pera, bahay, lupa at kotse? Anong meron kayo ngayon na hindi bigay lang ng Dios?

Dahil dyan, dapat nating tandaan na kung meron man tayong pera, hindi tayo kailanman ang tunay na may-ari nyan. Mga tagapangasiwa lang tayo, mga ingat-yaman. We are not owners dahil ang lahat ng bagay ay pag-aari ng Dios. Kung sa simula pa lang ay nalimi na nating tagapangasiwa lang tayo, siguro ay alam na natin kung paano tayo kikilos. Hindi tayo ang tunay na may-ari ng lahat ng nasa ating buhay. Yan ay pahiram lamang ng Dios at patago. Pinaiingatan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.