Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Peter 2:11
Dear friends, I urge you, as aliens and strangers in the world, to abstain from sinful desires, which war against your soul.

What’s wrong with lust? Excessive and misplaced lust prevents man from following God. Lust fools and keeps man imprisoned and enslaved by his body.

Hindi na magawang maging banal dahil tuwing may dumadaang sexy ay nalilito. A-attend ng prayer meeting, pagkatapos pag nakabanggaan lang ng tuhod yung prayer partner ay napapapikit na at nawawala sa sarili. Pupunta sa church, pero pagka may nakitang kaakit-akit lumilipad ang utak at habang umaawit ng hallelujah ang lahat, sari-saring mga fantasy naman ang pumapasok sa kanyang isip. Paano aasenso ang isang lustful person kung nakapako lang siya sa lupa at hindi makaangat?

This is why lust can be an enemy of spirituality. Lust is imprisonment. It renders paralysis to the spirit because it can stunt spiritual growth. Bakit? Maraming oras ang nauubos sa paghahanap ng sexual pleasures. Paroo’t parito sa dilim, naghahanap ng matitisod. Tatawid sa napakaraming bundok makarating lang sa kerida. Tinatago nang tinatago ang mga lihim at illicit activities. Dapat kontrolin at ipasakop sa Dios ang ganitong kalagayan.

Kasi parang ferris wheel ang buhay ng mga taong nahuhumaling sa layaw ng katawan. Ikot lang nang ikot pero walang nararating. Paano tayo makakapagbulay-bulay kung lagi na lang tayong naghahabol sa ating mga pagnanasa? Sayang ang panahon. Sayang ang pera, sayang ang lahat-lahat. Dapat ang buhay ay pataas nang pataas patungo sa kaharian ng Dios. But how can one fly when one is weighed down by the very heavy baggage of lust?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.