FEELING API?

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Romans 12:19
Do not take revenge, my friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord.

Ang dami nating reklamo sa buhay. Api ako. Kawawa ako. Pinaglaba ako nang pinaglaba. Pinagsibak ako ng kahoy. Pinag-igib ako, at kung anu-ano pang mga reklamo. Kaya sabi ng iba, “Maghihiganti ako. Kailangan makaganti-ganti ako.” Anong sagot dyan ng Panginoon? “Vengeance is mine.”

Kung api kang totoo, may Dios. Siya ang magbibigay ng balance dyan. Pero kadalasan naman ay hindi ka totoong api. Drama mo lang pala yon.

Dapat magpasalamat nga yung mga naapi, kasi ang Dios ang magsusukli. E kung kayo yung nang-api? Aba, mag-ingat-ingat kayo, Dios ang maniningil. Kaya yung mga naapi, dapat mas mabuti pa ang feeling nyo. “Buti na lang ako ang naapi hindi ako yung nang-api. Buti ako yung naagrabyado hindi ako yung nang-agrabyado. Buti ako yung kinawawa hindi ako yung nangkawawa. Kasi may naghihintay pa sa aking gantimpala at pambalanse ang Dios. Pupunan pa nya yung kulang ng iba sa akin.”

Pero kung kayo yung nang-api at nangkawawa, e di kayo ang sisingilin. Kaya hindi pinagsisisihan yang naging mabuti, mapagbigay at mapagparaya tayo, kasi may Dios. Kung walang Dios, maghiganti tayo. Huwag tayong magpaapi, tayo pa yung mang-api. Huwag tayong magbigay, mang-agaw tayo. Kung walang Dios! Pero merong Dios, di ba? So we never fail to do what is right.

Ang pinakamabuti ay huwag paapi at huwag ding mang-api! Pero bihira lang ang nasa ganong balanced state. So, kung mapipilitan din lang na pumili sa dalawa, it is better to bear with kaapihan than be the mang-aapi.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

THINK OF THE SIX FIRST

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Exodus 20:9
“Six days you shall labor and do all your work…and on the seventh day, you shall rest.”

Nag-aaway-away ang Sangka-Kristianuhan kung kailan ang Sabbath, kung kailan ang pahinga. Nakalimutan yung first half of the command na “Six days you shall labor.” If you are not working six days a week, you are breaking God’s law and you sin. Utos ng Dios na tayo ay magtrabaho. Sino dyan ang mga pasarap-sarap sa buhay, patamad-tamad? Magsisi! Mahiya! Dahil yan ay paglabag sa utos ng Dios.

Utos din ng Panginoon na alagaan ang katawang ito. Dapat tayong maging malusog. Para ano? Para mag-produce ng wealth. Dapat nating isaalang-alang sa ating lifestyle at diet hindi lamang ang mahabang buhay kundi ang maging malusog hanggang sa pagtanda. Kung sa ating pagtanda, tayo’y nakaratay naman sa banig ng karamdaman, e di mahirap din. Kung nag-aalaga tayo ng katawan at maingat tayo sa kinakain, then we will probably still produce wealth up to our last days. Hindi tayo nagiging pabigat kundi nakakatulong tayo sa kapwa.

Kung wala tayong alam sa buhay, wala tayong production. Ito ang dahilan why we should keep on learning. Learn a new trade, a new craft, a new vocation. Mag-seminar para malaman kung paano pa madadagdagan ang income natin.

Pag sinabing “gather for yourselves treasures in heaven” it doesn’t mean that you don’t make treasures here. It means you glorify the Lord with your treasures on earth. You invest correctly. You finance the Lord’s work. You give to the poor. This is how you gather for yourselves treasures in heaven.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

SIKSIK, LIGLIG, UMAAPAW

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 6:38
Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.”

Sabi ng Lord, “Give and it will be given to you.” Tama ang sukatan, tiniktik na, siniksik pa, yung lampas-lampas pa, will be given to you. Napakaganda ng example na ito lalo sa mga pagtitinda ng bigas, mais, grains o mga buto-buto noong sinaunang panahon. When you give to the Lord and to the undertakings for the Lord, kung gaano kalaki ang inyong sukatan, ganun din kalaki ang gagamitin sa pagbibigay sa inyo. If we are generous, the Lord is generous.

Kaya yung mga taong gustong lumamang, nalalamangan. Yung taong kuripot, kuripot din sa kanya ang mundong ito. Ang prosperity and spirituality ay magkakambal. Hindi poverty and spirituality. Walang ganung verse. God’s people don’t just eat, they feast on the abundance of God’s house.

Utos ng Lord to make disciples of all nations. How can you disciple kung wala kang funds? How can you help the poor kung ikaw mismo, wala? The Lord expects you to have more than what you need so you can influence and help.

Kaya kung bigla kang naghirap at sasabihin mong “Kalooban siguro ng Dios,” hindi! Ang kalooban ng Dios is that we should be prosperous. Kung tayo ay naghihirap dahil sa chastisement, yun ang kalooban ng Dios para tayo madisiplina. Pero once you have learned your lessons, magiging prosperous ka uli. Hindi kailanman sukat ng kabanalan ang pagiging dukha.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

ISANG URI NG PAGKAALIPIN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 22:7
…the borrower is servant to the lender.

Bakit ba ayaw ni Lord na tayo ay maging mangungutang? Totoo ang sinasabi ng Proverbs 22:7 maliban na lang kung napakakapal ng ating mukha. Kadalasan, yung nagpautang sayo, kahit mukhang tiriringgay, sasabihin mo, “Ang ganda-ganda mo ngayon!” E kasi pinapautang ka, di ba? Sa damit naman nya, “Ano bang itsura ng damit ko?” Kahit mukhang kurtina, ang sasabihin mo, “Bagay na bagay sayo!” Kung nakikita mong may dalang libro, “Ako na ang magdadala.” At kung nakaupo naman, “Mamasahihin ko ang paa mo.” Ganun ang may utang!

When you borrow from people they can throw anything at your face and you have no choice but to smile. Kasi may utang ka. So ano ang isang evil result ng pangungutang? Subservience. Nagiging alila tayo. Kung bakit naman kasi ganun, binabayaran mo naman yung utang mo, nagiging alila ka pa rin. Kasi may psychological effect yang pangungutang. Kahit nagbayad ka na, meron pang utang na loob na hindi nababayaran. Kaya kahit yamut na yamot ka na sa kasama mo, sama ka pa rin nang sama dahil pinapautang ka.

“Magsa-shopping ako, halika.”

“O sige. Ako ang tagabitbit.”

Sapagkat nagiging alila o alipin tayo ng iba sa pangungutang, hindi na tayo makapalag. Wala ka nang kalayaan. Walang laya ang iyong puso. Walang laya ang iyong isip. Dahil hawak ng pinagkakautangan mo ang iyong isip at damdamin. Taliwas ito sa kagustuhan ng Dios na tayo ay maging malaya.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

ANG DAPAT KAUSAPIN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Isaiah 8:19
When men tell you to consult mediums and spiritists, who whisper and mutter, should not a people inquire of their God?…

Go to the Lord, do not go to a pessimist. Huwag kayong pupunta sa mga taong negative thinkers. Mahahawa kayo. And definitely, do not go to mediums and wizards. Gusto mo ng payo, gusto mo ng kaliwanagan, pupunta ka sa manghuhula, sa bolang kristal, sa mga baraha, anong mangyayari sayo dun?. Huwag tumulad kay King Saul na sobrang napahamak. Litung-lito na, nagpunta pa sa tumatawag sa mga patay.

Pag pinanghihinaan kayo ng loob, ang kakausapin nyo yung mga taong babad sa salita ng Dios at puspos ng Espiritu ng Dios. Huwag kayong nakikipag-usap sa mga kapwa nyo ring nanghihina ng loob dahil magkakalubug-lubog lang kayo pareho. Pag galit kayo kay Kengkoy, huwag kayong makikipagkuwentuhan sa taong galit din kay Kengkoy dahil lalo lang nyang pag-aapuyin ang galit ninyo. Ang kakausapin nyo yung tuwang-tuwa kay Kengkoy para sabihing, “Alam mo yang galit mo, baka naman hindi well-founded.” Kadalasan naman kasi, masama na ang loob natin, galit na tayo, ang gusto pa nating makausap, kakampi. Ang gusto pa nating makausap yung magsa-side sa atin para lalo lang tayong masulsulan na magalit. So huwag sumasama ang loob natin kung yung kausap ay parang kinakampihan yung taong isinusumbong natin. Bina-balance lang tayo noon. Yun ang mabuting kausap.

Inquire of the Lord. Inquire of godly people. Huwag tayong maghanap ng kakampi, maghanap tayo ng balance. .

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.