PARTY o LAMAY?

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 7:2
It’s better to go to a funeral than to attend a feast; funerals remind us that we all must die.

Sabi ni Solomon, kung pipili kayo sa party dito at lamay doon, doon kayo sa lamay. Ano’ng ibig sabihin nun? Pag nagpupunta ka sa patay, naaalala mong mamamatay ka rin. Iyun ang dapat na napala mo. At pag naalala mong mamamatay ka rin, naaalala mo kung paano ka dapat mabuhay. Pinapahiram ka pa ng konting sandali para samantalahin at lasapin natin ang buhay habang hindi pa nagpapantay ang ating mga paa. Naalala nating pag-isipan ang kahulugan ng buhay, suriin ang sariling buhay at maghanda sa hindi naman maiiwasang appointment na yan.

Ang buhay ay umaabot ng pitumpung taon. Kung sobra kang malakas, baka umabot ka pa ng 80. Pag naka-90 ka pa, sobra-sobra na. Yun ngang iba, 10 years old pa lang namamatay na. Tingnan nyo ang balut, hindi na nagkaroon ng pagkakataong mabuhay, di ba? Hindi pa nga isinisilang e sumakabilang buhay na. Kanya-kanyang panahon. Pag nagkaroon tayo ng dagdag na oras, ipagpasalamat natin, “Salamat, buhay pa ako.” Hindi dapat puro reklamo.

Mayroon naman talagang tinatawag na, e ayaw pa. Siguro mayroon pang mga karanasang hindi pa natikman o mga kabutihang hindi pa nagawa. Kaya nga dapat na nabubuhay tayo araw-araw. Paborito nating sinasabi yung, “Mabuhay!” Kaya dapat na binubuhay natin ang sarili. Pag nalulungkot, humanap ng saya. Umimbento ng kaligayahan kaysa magmukmok. Lasapin ang sarap ng buhay at magmartsa nang mainam kung ga-graduate na.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

MAGTATAMPO KA PA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 3:11-12

My child, don’t turn away or become bitter when the LORD corrects you. The LORD corrects everyone he loves, just as parents correct their favorite child.

To have a good, godly life, we must not resent or reject godly correction. Kahit na minsan, inaadhika nating maging laging tama, pero kung sakali mang nasilat at nakagawa ng mga pagkakamali, huwag nating tanggihan, kainisan o layuan yung nagtutuwid at yung pagtutuwid sa atin. Never reject godly restriction or justice. Huwag sasama ang loob kung itinutuwid, kung nawawalan ng premyo at napaparusahan pa. Kung ang mga pagkakamali ay naprepremyuhan, mawiwili tayo sa paggawa ng mali at mapapalayo tayo sa paggawa ng tama. Discipline dictates that good behavior is rewarded and bad behavior is punished.

Kung minsan alam na alam na natin that if we get into a wrong relationship, halimbawa, hindi nagki-click yan. Pero nag-iinsist pa rin tayo. Kapag hindi nag-flourish, hirap na hirap tayo, sumasama ang loob natin, nasasaktan tayo, at nagtatampo tayo sa Dios. Dapat nga ipagpasalamat pa natin that we are being corrected. We do not know what horrible situations could befall us if we insisted on taking the wrong turn.

Huwag tayong nagtatampo sa Dios. Kadalasan kapag mayroon tayong mga bagay na hinihiling at hindi natatanggap mula sa Dios, nagtatampo tayo. Isipin na lang natin na itinutuwid siguro tayo ng Dios. Puede ba tayong lumaban sa Dios? Magtatagumpay ba tayo kung magtatampo sa Dios? Dapat nating tanggapin nang maluwag sa dibdib kung tayo ay itinutuwid.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

WONDERFULLY MADE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 139:13-14

You are the one who put me together inside my mother’s womb and I praise you because of the wonderful way you created me. Everything you do is marvelous! Of this I have no doubt.

Yung namimintas sa sarili at sa kapwa, hindi nya dinidibdib ang kahulugan na ang bawat tao ay buong kahiwagaan, kapangyarihan at kaluwalhatiang nilikha. Bakit? Diyos kasi ang gumawa, and the works of God are wonderful. Marahil sobrang tinititigan lang natin yung kakulangan ng kapwa, hindi natin nakikita yung mga bagay na tamang-tama siya. Hinahanap natin sa kanya yung wala sa kanya, pinagagawa natin yung hindi naman siya gifted to do. Nagmumukha tuloy siyang walang kwenta.

Pero sabi, “the wonderful way you created me.” It means, I’m fit. Bagay ako sa lahat ng aking kasama, kasambahay, katrabaho at kapitbahay. Minsan, dahil sa ating maling pananaw sa sarili at sa kapwa hindi natin naa-appreciate ang pagkakaiba-iba. Samantalang ang pagkakaiba-iba na yan can be very charming because our differences give variety in life.

God is a God of variety kaya maraming puedeng gawin ang isang tao. Mayroon siyang number one na galing, at pwera d’yan may number two, may number three, at ayon sa hinihingi ng pagkakataon may ilalabas pa siyang ibang galing. Kahit di nya laging gustong palutangin ang galing nya, marami siyang talents, roles, callings to enable others to fit. Binibigyan din nya tayo ng kakayahang magpasensya, umunawa, umibig para yung ibang bahagi ng pagkatao ng kapwa natin ay ating mapagpasensyahan, mapatawad, matanggap.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

PAULIT-ULIT NA LANG?

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 3:5-6

With all your heart you must trust the LORD and not your own judgment. Always let him lead you, and he will clear the road for you to follow.

Pag sinuri nyo ang ating mga problema, paulit-ulit, pabalik-balik, iyon at iyon din. Yung problema mo sa nanay mo, sa tatay mo, sa anak mo, sa asawa mo, sa sarili mo, iyon at iyon. Problema sa kapitbahay, problema sa kalusugan, parang wala namang bago, bakit kaya pabalik-balik? Halimbawa, bakit yung mga taong nababastos, naaapi, nasasaktan lagi na lang sila ang nagaganon? O kaya napapansin mong lagi ka na lang nilalampas-lampasan, hindi pinapansin, at kahit sino na lang ginaganun ka. Lagi ka na lang nabibiktima. Bakit yung laging nananakawan, naho-hold up, siya at siya pa rin ang paulit-ulit na nadudukutan, naaagawan, nawawalan? Lagi ka na lamang inaabuso ng tao, hinihiraman, inuutangan, hindi binabayaran, pabalik-balik, paulit-ulit. Yung mga na-1-2-3 noon, sila pa rin yung mawa-1-2-3 ngayon at bukas sila pa uli ang madadaya na naman. Yung mga nadadaya ng mga manggagantsong nanliligaw, nakakapitong nobyo na, iyon at iyon pa rin. At kung may madadaya na namang isang dalaga bukas, siya na naman ang kandidatang madaya.

If you do not like what’s happening in your life, change the way you think. Because the way you think attracts the things that happen in your life. Kung hindi ka masaya sa problemang pabalik-balik, palitan mo ang pag-iisip, palitan mo ang attitude at kasama nun palitan mo ang facial expression, body language and body movement.

At kung laging ikaw na lang lagi ang namamahala ng buhay mo, oras na para isali mo ang Dios sa usapan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Send Your Love Gifts in Pesos

Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.

FORGET NA LANG

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 13:5

Love…doesn’t keep a record of wrongs that others do.

Tatanungin ka ng Dios, “Bakit ang daming peklat ng puso mo?” Sasagutin mo, “Sinugatan po kasi ako ng boyfriend ko noong April 2, 1999.” Magtataka ngayon ang Dios, “E bakit ang daming sugat?” Nahihiya ka ngayong sumagot, “E kasi po, pagkatapos nyang sinugatan, sinasaksak ko po nang sinasaksak nang paulit-ulit dahil lagi kong naaalala.” Ganyan ang nangyayari sa atin tuwing ginugunita natin yung sakit, hapdi, galit, at hinanakit. Ano ngayon ang sasabihin sa atin ng Dios? “Kasalanan mo ‘yan!” Minsan ka na palang nasaksak, dapat hindi ka na papayag na masaksak uli.

Kaya ang itinuturo ng Panginoon, forgive. Kasi kahit magpatiwa-tiwarik man tayo, hindi na puedeng ibalik ang panahon. Mahalagang magpatawad tayo para yung natitira pang oras sa buhay natin ay hindi na madadamay dun sa nasira na ng nakaraaan. Habang hindi nagpapatawad, lumalaki yung sira.

And while it is difficult to forgive, also try to forget. Kung maraming binasag na palayok sa mukha mo ang nanay mo dahil laging mainitin ang ulo nya at nandyan pa rin ang mga hinanakit sa dibdib mo, ikaw na ngayon ang nagiging unkind sa sarili habang hindi mo ito nalilimot. Lalo na’t matagal nang patay ang nanay mo. Kasalanan mo na yan.

Anuman ang atraso sa atin ng mundo, hindi maaalis yan ng kare-replay sa isip. Itigil na ang self-torture na yan. Ultimately, tayo ang magiging beneficiary when we forgive and forget. Lahat ng pait, ibaon na sa limot, and travel on as best as you can. Marami pang natirang pagpapala ang Dios.