CONTEXTUALIZE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Timothy 3:16
Everything in the Scriptures is God’s Word. All of it is useful for teaching and helping people and for correcting them and showing them how to live.

Napakahalagang kilalanin ang mga katuruan ng Biblia upang mailapat sa buhay. But remember that in reading and studying the Bible, we must contextualize. Not every word written there is for us or our current situation. Hindi komo angkop sa mga babaeng taga-Corinto noon ay angkop pa rin sa mga kababaihan ngayon. Hindi dahil ipinagawa sa mga pari noong unang panahon ay ipinapagawa pa rin sa atin ngayon. Kaya hindi lang mahalaga na malaman ang laman ng Biblia kundi malaman din ang konteksto at background nito. Huwag nating kakalimutan na bagama’t mayroong universal application ang mga katuruan sa Biblia, mayroon ding orihinal na nagsulat o nangaral at may mga orihinal na tumanggap nito at ang tunay na mensahe ay para doon sa mga orihinal na nakinig. Maaari tayong makisalo at i-apply sa buhay natin ang mga katuruang ito kung ang kalagayan natin ngayon ay katulad sa diwa at espiritu ng kalagayan noong mga unang nakatanggap ng mga katuruan.

God’s word is very correct in its specific time and circumstance, lalung-lalo na ang mga epistles to the churches. Mayroong problema yung mga churches, may mga taong involved, at pinapayuhan nung sumulat kung ano ang dapat gawin. Kaya kailangang sinusuri natin, Pareho ba ang kalagayan namin? Pareho ba yung espiritu o diwa ng problema para ma-apply ko itong diwa ng solusyong ito? Kung ganito ang gagamitin nating pag-unawa sa Biblia, marami tayong pagdurusang maiiwasan bunga ng maling application ng mga katuruan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

GAWING PERSONAL

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ezra 7:10

Ezra had spent his entire life studying and obeying the Law of the LORD and teaching it to others. 

Nabubuksan lang ba natin ang Bible kung may Bible study? Baka dahil may PowerPoint sa church, hindi na natin dinadala’t nabubuksan ang Bible. Papaano kung masira ang projector, may dala pa ba tayong Bible o sobra na tayong umasa sa technology? Yung iba pag binuksan yung Biblia nila sa Bible study, dikit-dikit ang mga pahina. Hindi man lang kasi nabubulatlat ang Biblia sa tagal nito sa kanila, bagung-bago pa rin.

Nabi-bless tayo kung mayroong isang magpi-preach at ibubunyag sa atin ang itinuro sa kanya ng Dios sa kanyang pag-aaral nito. Pero napakaraming ibubunyag at ituturo ang Dios sa atin directly at personally if only we would study the Word of God on our own. Even without a seminary education and a PhD in Theology, we can prayerfully open the Word of God with a humble heart and the spirit of the Lord is going to teach us. The joy of personally discovering God’s truth or a certain facet of it is one of the highest joys available to human beings.

Bubuksan mo yung devotional guide sa ganitong araw, babasahin mo yung isinulat na maikling essay at akala mo nag-aral ka na ng Salita ng Dios. Binasa mo lang ang pag-aaral ng iba. Pero iba yung kayo mismo ng Panginoon ang mag-uusap at mag-aaral. Hindi komo umaattend ka ng church at nakikinig sa pangaral ng Salita ng Dios ay kumpleto na. That’s only one-half of your spiritual growth. The other half depends on your personal study of God’s Word.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

CLEAR THE COAST

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 11: 4 

“Forgive our sins as we forgive everyone who has done wrong to us…”

Makipagtuusan sa Dios para luminis ang record. Hindi naman lumilipas ang maghapon o linggo na hindi ka nagkakasala, kaya hihingi ka ng tawad. Parang naglalakad kang may matatalim na bato sa loob ng sapatos mo kaya mahirap maglakad. Ganun din ang relasyon natin sa Dios. Pag may kasalanang hindi napapatawad, may namamagitan doon na mga masasakit at mahahapding bagay na kailangang tanggalin. Kung hindi nyo kayang maglakad ng ilang hakbang na may matatalim na bagay sa pagitan ng swelas ng sapatos at talampakan nyo, lalong hindi natin dapat magpalampas ng isang araw na may kasalanan tayong hindi naihihingi ng tawad. Kasi mas madugo ang bunga sa ating espiritu ng ganung klaseng relasyon. Dinadalangin nating patawarin tayo ng Dios kasi habang may kasalanan, may bará.

What is the best way to confess your sins? By forgiving others. You’re already clearing the coast for your sins to be forgiven. Maging sa tao, nare-renew, nananariwa, nanunumbalik ang relasyon dahil lang nagpapatawad tayo. When we forgive, we get forgiven. Parang sinabi mo, “Nagpapatawad ako, Lord, kaya patawarin nyo po ako. Kung hindi ako nagpapatawad, huwag nyo akong patatawarin.” Ganun lang yan kasimple.

So renew your ties with God through forgiveness. You are renewed with God by God forgiving you and God forgives you by your forgiving others. Yung mapagpatawad nagdadasal lagi na patawarin siya kahit hindi siya magsalita. Pero yung hindi nagpapatawad kahit na humingi siya ng tawad sa salita hindi naman talaga siya humihingi ng tawad dahil hindi naman nya sina-satisfy yung unang requirement na magpatawad muna.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

AT EASE AND RESTED

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 116:7 (NIV)
Be at rest once more, O my soul, the LORD has been good to you.

Rest draws one away from toil. It gives perspective, clarity, wisdom, and also re-energizes life. Yung mga nagpapahinga matapos mapagod ay mas lumalalim ang pagkatao, mas lumilinaw ang pananaw sa buhay, mas tumatalino. Sapagkat sa pagpapahinga, doon natin napoproseso ang mga bagay-bagay at napagdudugtung-dugtong ang mukhang hindi magkakadugtong na mga katotohanan. Kaya maraming enlightenment ang nangyayari sa pagpapahinga. No matter how tired you get, you are destined to rest because you are designed by God to rest. He, too, rested. Kaya kung nakakapagpahinga tayo kahit saan sumandal, o kahit hindi maganda ang inuupuan o kahit hindi first class ang kama, magpasalamat tayo sa Dios sapagkat one of the great joys of life ay libre ang magpahinga.

Bakit napakaraming tao ang naakit na sumunod kay Hesus? Sapagkat ang kanyang iniaalok ay kapahingahan. At sino ang tatanggi sa kapahingahan? Mga pusong pagod, mga taong naguguluhan, litung-lito at hirap na hirap. May kapahingahan sa Panginoon sapagkat hindi siya nang-uusig ni nanghuhusga at napapanatag ka kahit marami kang atraso sa langit.

In whose company are we most at ease and rested? Hindi ba doon sa lubos na nakakakilala at tumatanggap sa atin kung sino man tayo? Yung hindi natin kailangang magbalatkayo at magkunwari, at tinatanggap tayo for who we are. Ganyan ang walang patakarang pagtanggap sa atin ng Panginoong Hesus. Ganyan din ang inaasahan ng Dios na gagawin nating pagtanggap sa iba. Sapagkat yung pagtanggap natin sa ating kapwa kahit na ano man sila ay pagbibigay din ng pahinga.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

TWO ROADS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Acts 16:30-31
After he had led them out of the jail, he asked, “What must I do to be saved?” They replied, “Have faith in the Lord Jesus and you will be saved! This is also true for everyone who lives in your home.”

When a person believes, he is made holy and perfect through the sacrifice of Jesus. Just believe. Hindi sinabing mag-donate, mag-sacrifice, be holy, perfect, and sinless. Kung may utang ka at binayaran ng iyong ama, may utang ka pa ba? Wala na. Yung utang natin sa Dios, binayaran ng Panginoong Hesus kaya nawalan tayo ng utang. Nagiging banal pa tayo sa paningin ng langit. Yung hindi nananamplataya kay Jesus, yung hindi nagpapaligtas sa kanya, sino ang magbabayad ng mga utang nila? Sila! Kasi wala silang tagapagbayad at tagapagligtas. Lahat ng tumanggap kay Hesus at nanalig sa kanya ay binigyan ng karapatang maging anak ng Dios.

Dalawang daan ang maghahatid sa atin sa kaligtasan. Yung una is to try it yourself. But no matter how hard you try, you will keep failing. Yung iba, ang ginagawang hagdan paakyat sa langit ay ang pagsunod sa Sampung Utos. Ang hindi nila alam, hindi sila kayang dalhin nito sa harapan ng Dios kasi walang sinumang nakakayang sundin ang mga kautusan sa habang panahon. The other one is to let Jesus be your Savior. Para kang sumakay sa elevator derecho sa langit dahil si Hesus na ang naging daan. Kapag tayo ay nananalig sa Panginoong Hesus, hindi lang tayo napapatawad kundi binibigyan pa tayo ng katuwiran.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.