HANGGANG KAYANG MAG-DEPOSIT

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 16:27

The Son of Man will soon come in the glory of his Father and with his angels to reward all people for what they have done.

Walang sayang kapag tayo ay gumagawa ng mabuti, tumutulong sa kapwa at naglilingkod sa kaharian ng Dios. Laging may gantimpala. At dahil sasandali lang ang oras natin para mag-ipon ng mga kayamanan sa langit, huwag tayong magsasayang ng panahon. Dapat araw-araw, linggu-linggo, buwan-buwan, taun-taon mayroon tayong nadaragdag na kayamanan sa langit. Ang magiging halaga ng gantimpala natin doon sa langit na walang hanggan ay base yun sa nagawa natin dito sa lupa na may hangganan.

But, we should not forget na may mga bagay na hindi natin kayang gawin. At yung mga kulang sa ating performance ay pinupuno ng Panginoon. Halimbawa, ang paghuhugas sa ating kasalanan, ang pagpapatawad, at ang pagliligtas sa atin, Dios lang ang makagagawa nun. Kahit ano man ang gawin natin, hindi natin lubos na magagawa yun. Kaya mayroon tayong Tagapagligtas, ang Panginoong Hesus. Pag tinanggap natin siya bilang Tagapagligtas, sinasagot nya ang kaligtasan natin.

Believing in the Lord Jesus Christ and accepting him into your life saves you. But after you have accepted Jesus as Savior, then you have to follow him as Lord. That means, susunod ka, maglilingkod ka. At sa bawat paglilingkod, sa bawat pagtulong, sa bawat mabubuting gawa, nabibigyan tayo ng gantimpala dito sa lupa at nakakapag-impok tayo ng kayamanan sa langit.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

HOLY BY FAITH

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 John 1:7
…the blood of his Son Jesus washes all our sins away. 

When you believe in Christ and what he did for you at the cross, you become holy. Sabi nung iba, holiness is no longer a requirement to be saved. It’s not true. Holiness is the requirement to be saved. Kaya lang legal holiness. At ito ang napakagandang message ng gospel. That we can become holy without trying hard. Sa totoo lang, no matter how hard we try, we cannot be holy. So, although holiness is still a requirement to be saved, we become legally and positionally holy only when we accept Jesus as Savior and Lord. We are not actually morally holy, but we are made legally holy by our faith.

Nakakalungkot dahil napakaraming tao try very hard to be actually holy. Hindi ito mangyayari para ma-accomplish ang 100% holiness all the time. It is a difficult proposition to even think of doing. But our love affair with God makes us holy. At ito ang kabaligtaran: Our love affair outside of God naman makes us sinful.

But the legal holiness does not stop there. Once we have become legally holy through our faith in Christ, we begin to be actually holy dahil sa ating pakikipag-isa sa kanya, sa pagsama natin sa kanya at sa pagpayag natin na samahan nya tayo. Nagiging tunay ang ating kabanalan sa pakikipisan natin sa kanya. Dahil pag lagi natin siyang kasama, nagbabago talaga tayo.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

PARA HUWAG MALIGAW

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 23:1, 4b

You, LORD, are my shepherd… You are with me, and your shepherd’s rod makes me feel safe.

Matigas ang ulo, makakalimutin at laging naliligaw ang tupa. Kaya tupa ang tawag sa atin, at pastol ang tawag sa Panginoon. Pila-pila kung naglalakad ang tupa, hindi puedeng sabay-sabay. Kadalasan dumadaan sila sa mga bukid kaya kailangan sa gitna lang sila dumaan; o kaya sa gilid ng bundok na puede kang mahulog kaya isa lang ang linya.

Sumusunod lang ang tupa sa kung sino ang nasa una. Kaya yung mga nandaraya, pupunta sa una para iligaw yung mga tupa. Ganundin sa spiritual life. Sumusunod ka sa umuuna, umuuso at yun ang pinaniniwalaan mo. Napakadaling iligaw ang tao kapag hindi ang Panginoon ang nasa una. Minsan, nasa dulo yung shepherd kasi baka may mga leon o mababangis na hayop na gustong kainin yung nasa dulo. O baka maligaw yung mga nasa dulo kapag hindi nabantayan, wala nang makakaalam. So madalas nasa dulo yung shepherd.

Sa mga lumilikong tupa, ang tungkod ng pastol na parang question mark ay ginagamit panghila sa leeg nila pabalik sa pila. Masakit pero nababalik sila sa pila. Ganundin tayo kapag naliligaw ng landas, hinihila tayo ng Panginoon. Kung ayaw mong masaktan, huwag kang lumiko sa kaliwa o kanan. Dumerecho ka at hindi ka mahihila. Hindi lang pandisiplina sa tupa ang tungkod, panlaban din sa mga mababangis na hayop para i-protect ang tupa. And it is not unusual for a shepherd to die for his sheep.

Ang ganda-ganda ng relasyon ng tupa at ng pastol bilang larawan ng relasyon natin sa Dios. Ang tanong: Siya ba ang Pastol ng buhay mo?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

INGAT SA PAGSUNUD-SUNOD

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

John 10:27

“My sheep know my voice, and I know them. They follow me…”

May sipol ang isang shepherd bilang signal sa kanyang tupa. Kapag narinig yung sipol nya at makikita yung anino nya, susunod ang lahat ng tupa sa kanya. Kaya dapat alam ng tupa yung boses ng kanyang pastol. Yun yung sinasabi ng Panginoon na “Mag-ingat kayo. Hindi lahat pastol. Some come to steal, to kill and to destroy.” Kasi mayroong mga fake na shepherd. Fine-fake nila yung sipol, huni o tawag nung shepherd. At kapag yung mga tupang iba ay nalinlang nya, nagsunuran sa kanya, huli sila at ibebenta sila para katayin.

Maa-appreciate nating lahat ang mga talinhaga ng Panginoon tungkol sa tupa at sa shepherd kasi ganundin tayo. Pag hindi natin talaga kilala ang tinig ng Panginoon, nadadaya tayo ni Satanas, ng ating emosyon, ng ating mga desires, ng ating greed, ng ating lust; and before we know it, we followed a wrong shepherd. Napupunta tayo sa matadero kung saan tayo kinakatay, sinasaktan, pinapahirapan. Kaya napakahalagang unawain para ma-appreciate natin kung paano naihahalintulad ang Panginoon sa shepherd–yung Lord na gumagawa ng paraan para tayo pakainin at painumin, ipagtatanggol tayo, hindi tayo dadayain, mamahalin tayo, at ibibigay ang buhay para tayo ay maligtas sa kapahamakan.

Kung minsan mali yung sinusundan natin. Kung kani-kanino tayo nakikinig at nagpapa-impluwensya. Insecurity and fear tuloy ang inaabot natin. Make God your shepherd. He will not automatically be your shepherd. Invite him to rule your heart and ask him to be your shepherd.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

ITINURING NA RIGHTEOUS AT NAGPAKA-RIGHTEOUS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 23:3

You are true to your name, and you lead me along the right paths.

According to the meaning of the Lord’s name which is “shepherd,” he guides us. Hindi nya tayo lilitsonin o kakainin, hindi nya tayo ipapahamak kasi ang pangalan nya ay “shepherd” at siya ang ating shepherd.

We become righteous because the Lord leads us. Yung nauuna siya, sumusunod tayo; o nauuna tayo pero nandun siya sa likod upang bantayan tayo. Nagiging righteous tayo by doing the right thing. But more than that, through the work of Jesus our shepherd nagiging righteous tayo by faith.

By believing in Jesus as your Savior and Lord, your belief makes you righteous. Yan ang tinatawag nating “made righteous by faith.” Pag nananalig ka kay Hesus, nagpaligtas ka sa kanya, biglang magiging righteous ka sa tingin ng langit kahit ang totoo nyan ay tadtad ka ng kasalanan. Pero pinagsisihan mo, tinalikuran mo, hindi na yung kasalanan mo ang nakikita kundi yung dugo ni Hesus na ipinanghuhugas sa iyong kasalanan. Ina-apply yan pareho ng tunay na mananampalataya. You know that you are made righteous by faith but you also do what you can to your utmost so you could actually be righteous by works not only by faith. Magkakambal yan at ginagawa pareho.

And because of that, the true believer remembers the Shepherd that became the Lamb that takes away the sins of the world. Pag naaalala mo ito, he restores your soul. Pag sumusunod tayo sa mga katuruan ni Hesus, he guides us in righteousness. All because of what his name means.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: