Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Timothy 3:16
Everything in the Scriptures is God’s Word. All of it is useful for teaching and helping people and for correcting them and showing them how to live.

Napakahalagang kilalanin ang mga katuruan ng Biblia upang mailapat sa buhay. But remember that in reading and studying the Bible, we must contextualize. Not every word written there is for us or our current situation. Hindi komo angkop sa mga babaeng taga-Corinto noon ay angkop pa rin sa mga kababaihan ngayon. Hindi dahil ipinagawa sa mga pari noong unang panahon ay ipinapagawa pa rin sa atin ngayon. Kaya hindi lang mahalaga na malaman ang laman ng Biblia kundi malaman din ang konteksto at background nito. Huwag nating kakalimutan na bagama’t mayroong universal application ang mga katuruan sa Biblia, mayroon ding orihinal na nagsulat o nangaral at may mga orihinal na tumanggap nito at ang tunay na mensahe ay para doon sa mga orihinal na nakinig. Maaari tayong makisalo at i-apply sa buhay natin ang mga katuruang ito kung ang kalagayan natin ngayon ay katulad sa diwa at espiritu ng kalagayan noong mga unang nakatanggap ng mga katuruan.

God’s word is very correct in its specific time and circumstance, lalung-lalo na ang mga epistles to the churches. Mayroong problema yung mga churches, may mga taong involved, at pinapayuhan nung sumulat kung ano ang dapat gawin. Kaya kailangang sinusuri natin, Pareho ba ang kalagayan namin? Pareho ba yung espiritu o diwa ng problema para ma-apply ko itong diwa ng solusyong ito? Kung ganito ang gagamitin nating pag-unawa sa Biblia, marami tayong pagdurusang maiiwasan bunga ng maling application ng mga katuruan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.