“YOUR EXCELLENCY”

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Corinthians 5:20
We are therefore Christ’s ambassadors. as though God were making his appeal through us…

God’s ambassadors ang tawag sa atin. Tingnan nyo ang mga ambassadors ng ating bansa. Bagamat tayo ay nasa economic difficulty, they always live in the best neighborhoods abroad. Ang mga ambassadors naman ng ibang bansa na narito sa atin ay nakatira sa Dasmariñas Village, sa Forbes Park, sa Ayala Alabang because they always place ambassadors in the highest form of lifestyle in the host country para igalang ang bansang kanyang kinakatawan. Kaya ang tawag: “Your Excellency.”

If we are God’s ambassadors, are we to be poor? If you represent heaven at pag kinakatawan natin ang Dios at sinasabing siya ang may-ari ng lahat, na siya ay mabait, pagkatapos mukha kang gusgusin, ganun kaya ang ambassador? O mali lamang ang pagtingin natin? Masyado na nating na-emphasize ang spirituality to the point na sobra tuloy na-glamorize ang poverty.

Sabi ng mga hipokrito’t hipokrita, “Naku, ayokong maging mayaman. Madaling magkasala pag mayaman.” Teka, hindi ba mas madaling magkasala kung wala kang makain? Ang tao’y nagiging prostitute, snatcher at magnanakaw dahil walang pambili ng pagkain? Sino ang may sabing madaling maging banal kung mahirap? Sour grapes lang yun. “Ayokong maging mayaman, complicated.” Pero hindi ba mas complicated yung wala kang maibayad sa Meralco? Yung tumitirik ang mata ng anak mo sa taas ng lagnat at wala kang maipambili ng gamot?

You are God’s ambassadors. You are the children of the Most High! Look the part. Strive to be fruitful. Try hard not to be miserable. How can poor people take such an office? How can the poor handle such ministry?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

“YOUR ROYAL HIGHNESS”

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Peter 2:9
But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, a people belonging to God, that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light.

Namnamin nyo. Ang mga anak ng Dios ay mga piniling lipi, mga bughaw na dugo, mga royal highnesses. Titingnan mo pa lang ang katawan nila, ang kinakain nila, ang buhay nila, dapat napupuri mo na ang Dios nila. Paano naman mapupuri ang Dios natin kung sumusuka tayo ng dugo at walang maibili ng gamot? Paano mapupuri ang Dios natin kung gumagapang tayo sa hirap at sa lusak? Baka ang sabihin pa sa atin, “Yan ba ang ginagawa ng Dios nyo sa inyo?”

We have been so grossly miseducated by schools of thought ng Christianity that we must suffer, be poor, be this and that. Lies. Christians have a royal heritage. We are kind but we are not dumb. We are polite but we are not doormats.

Huwag tayong papayag na tayo ay tatapak-tapakan, dudusta-dustahin at dudurug-durugin. Paano ito magagawa? Not by being proud and not by fighting back, but by being good, excellent and useful. Kapag mahusay kang mananahi, engineer o trabahador, useful ka. Kailangan ka ng society. Ang mga taong walang pakinabang have no choice but to be nice because they are dependent on charity. Christians should not be like that.

Habang may lakas pa sa ating katawan at mga ugat, dapat tayong magtrabaho. Ang mga Kristiano, hindi yung mga walang pananampalataya, ang tagapagmana ng mundo. Kapag mahusay kayo, hindi nyo kailangang magpakaaba para kayo tanggapin. Royal treatment ang na-e-enjoy kasi noble ang character.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

WELCOME HIM

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

John 1:14
The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the One and Only, who came from the Father, full of grace and truth.               

Isang napakataas na ideya ang nakapaloob sa pagkakatawang-tao ng Dios: ang pagiging laman ng isang diwa, ang pagsasakatawang-tao ng di naman dapat maging tao, ang pagpapakita ng di-nakikita. Kung sa gayon, ang maranasan ang isang bagay na sa ordinaryong pagkakataon ay di kayang maunawa at maranasan ng tao.

The heart of Christmas is God living among humans in the form of, what the Bible calls, “the Son of God.” Yung Dios na hindi kayang ilagay sa anumang lalagyan, na ang kaluwalhatian ay hindi kayang hawakan sa isang kamay, na ang kabuuan ay hindi kayang sukatin at yakapin, ay pinagkasya sa isang katawan ng tao. Ang kabuuan ng Dios ay ipinahiwatig, ipinakilala, ipinahipo, ipinaramdam, ipinakinig sa tao sa pamamagitan ng kakaibang pagpapahayag ng Dios.

And so the very important application of the message of Christmas is letting God live in our midst. Ito ang malalim na kahulugan ng Pasko. Magandang talinghaga ang walang lugar na mapuntahan sina Joseph at Mary para mailuwal si Hesus. Kinailangang merong magbukas ng pinto upang papasukin si Hesus.

If we really want a merry Christmas, we must let God in our midst. Katulad ng sabsaban that had to be rearranged to accommodate Jesus, we must also readjust and rearrange our lives to welcome Jesus who is near us, with us, and in us. We must make a world, a community, and a home that is God-friendly.

 

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

WHEN PRAYER DOESN’T CHANGE THINGS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Jeremiah 10:19
Woe to me because of my injury! My wound is incurable! Yet I said to myself, “This is my sickness, and I must endure it.”

May mga sakit na puedeng gamutin, at meron namang walang lunas. Hindi ito madaling tanggapin, but we pray for wisdom to accept what cannot be changed. Pinasan ng Panginoong Hesus ang krus. Pinasan nya ang sakit ng mundo. At tulad ng Panginoon, dapat din nating tanggapin na darating ang panahon na papasanin natin ang ating sakit at maging ang sakit ng ating mga mahal sa buhay.

Ano ang gagawin natin sa ganitong sitwasyon: Ipinagdarasal natin, ginagamot natin, pero walang nangyayari? Iisa lang ang natitirang gawin – ang luwagan ang kalooban at tanggapin ang pangyayari. Kung tinatawag na ng Panginoon ang isang tao sa kabilang buhay, maluwag nating ibigay. Kung tayo ay tinatawag at nilalabanan natin at patuloy tayong nagpupumiglas, hindi natin mapaghahandaan ang mga dapat na pinaghahandaan.

We must receive God’s comfort and make the most of the situation. Kahit naman ang isang maysakit, kung hindi siya nakaratay, nakakaranas pa rin siya ng maraming breaks. Kumbaga, yung mga painful moments ng isang maysakit are just dots in an otherwise long line filled with restful moments in between. So, we make the most of the strength and health that are available. Samantalahin ang mga maliliit na corridors ng ginhawa. Mamasyal, kumain nang husto, makipag-kwentuhan, maglibang, mag-produce. Celebrate every moment and space for comfort.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

ISANG REYNA LANG

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Genesis 2:24
For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife, and they will become one flesh.

Hanggat maaari, huwag ninyong ipipisan ang inyong asawang babae sa inyong ina. Napakalaki ng nagiging problema nyan. Bakit? Dalawa kasi ang reyna, iisa ang trono.

Isang dakot na luya ang gustong ilagay ng biyenang babae sa tinola, kapiraso lang gusto ng manugang. Kung papaano bibihisan ang mga bata, kung kailan paliliguan, kung anong temperature ng tubig, pinagtatampuhan yan ng mga mag-biyenan. Higit lalong matamis ang samahan ng magbiyenan kung hindi sila nagsasama sa ilalim ng iisang bubong sapagkat talagang may isang reyna lang doon.

Kung kayo ay titira sa bahay ng inyong magulang, ang nanay ang reyna doon. Kung ang biyenan ang matira doon sa tahanan ng mag-asawa, ang manugang ang reyna doon. Huwag sasama ang loob ng mga ina sapagkat naging reyna na kayo sa inyong sariling tahanan. Bigyan na nyo ng pagkakataon ang inyong mga manugang na maging reyna rin sila. Pero ang manugang naman, manatiling sweet and respectful sa mother-in-law.

Never compare your mother with your wife. Kahit pa nga ang tinola nya ay lasang sinigang, huwag mong sasabihin, “Mabuti pa nga ang tinola ng nanay ko” o “Ang leche flan ng nanay ko ay leche flan talaga, ang leche flan mo ay parang pudding.” Tutulo ang luha ng babae at magkakaroon ng negative feeling sa biyenan, hindi man dapat.

Yung mga lalaking ayaw iwan ang kanilang nanay, huwag mag-asawa. Pero kung mag-aasawa, tanggapin nyo ang inyong mga asawa kahit parang bato ang hot cake nyang luto sapagkat yan ang kanyang kaya.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.