GIVE SOMETHING TO MULTIPLY

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

John 2:6-8

At the feast there were six stone water jars that were used by the people for washing… Each jar held about 100 liters. Jesus told the servants to fill them to the top with water. Then after the jars had been filled, he said, “Now take some water and give it to the man in charge of the feast.”

Naghimala ang Panginoon pero hindi naman biglang may tubig yung jars. Nakataob yung mga tapayan. Pinalagyan pa ng tubig. Ba’t hindi nilagyan ng Panginoon ng tubig e kaya naman nya? Kaya naman kasing gawin yun ng mga tao. Pina-igib sila ng tubig pero hindi sila inutusang gawing wine iyon kasi hindi nila iyon kayang gawin. At sa ating buhay Kristiano, maglagay din tayo ng tubig sa tapayan para may magawa ang Panginoon na wine. Baka naman pati paglalagay ng tubig iuutos pa natin sa Dios. Bakit ka paghihimalaan sa mga bagay na kaya mo namang gawin?

Ano’ng mga himala ang kailangan natin sa Panginoon? Bigyan nyo naman siya ng paghihimalaan. Give him the material that he could turn into something better. Mayroon kang kapiraso, pararamihan nya dahil malinis ang kalooban mo. Pinarami ng Panginoon ang two fishes and five loaves of bread para pakainin ang higit sa limang libong tao. Hindi puedeng from zero. Because as one song says, “Little becomes much when you place it in the Master’s hand.” Gusto mong lumuwag sa buhay, mag-offering ka naman kahit konti para ma-multiply ng Dios at ibalik sa iyo; kasi pag zero ang ibinigay mo, pag minultiply ng Panginoon yan, zero pa rin iyon pagbalik sa iyo. Give him something to multiply.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

BE MORE SENSITIVE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 15:32

Jesus called his disciples together and told them, “I feel sorry for these people. They have been with me for three days, and they don’t have anything to eat. I don’t want to send them away hungry. They might faint on their way home.”

           Nang sumunod sa Panginoong Hesus ang apat na libong tao sa kabundukan, pinagaling nya ang kanilang mga maysakit. Ang sunod nyang inisip, “Paano na ang mga tao? Gutom na sila. Pakainin nyo.” Manhid yung mga disciples, “Pauwiin na po natin. Ang dami-dami nila. Bahala na sila sa buhay nila.” Sabi ni Hesus, “Baka himatayin sila sa daan. Pakainin bago pauwiin ang mga tao.” The Lord Jesus Christ had a very soft heart for people. He personified the best qualities of humanity. Nagpagaling na’t lahat-lahat ‘tapos magtatanong pa siya, “Ano’ng kakainin ng mga tao?”

Jesus teaches us to become more sensitive to the needs of others. Kung mayroon tayong kasama sa bahay na matanda na o maysakit na nakaratay, pagdating na pagdating natin sa bahay, maghugas tayo ng kamay, magpalit ng damit dahil baka ma-infect natin yung maysakit, at magpakita agad. Sumasama ang loob ng maysakit pag may dumating at isang oras na’y hindi pa siya sinisilip sa kwarto. Baka maliit na bagay sa atin iyon, pero sa taong hindi nakakalabas ng kwarto at hindi nakakabangon, malaking bagay iyon.

        The needs of people around us are never too small for our attention. Mayroon kayang mga pangangailangan ang ating anak, asawa, magulang, kapatid, kaibigan, empleyado o employer na sa tingin natin ay bale-wala o maliit lang, hindi natin tuloy pinapansin? Walang maliit kapag kailangan ng ating kapwa.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

MAY PINAGKATANDAAN

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Mark 11:25

“Whenever you stand up to pray, you must forgive what others have done to you…”

Everytime we pray, there is always that opportunity to remember to forgive and forget. Sabi ng Panginoon, “Huwag muna kayong magdasal kung namumuhi pa kayo, magpatawad muna.” May nang-iinis sa iyo at nainis ka, talo ka. Pero yung may isang nakakainis at hindi ka naiinis, panalo yun. Yung nag-iisip ka kung paano siya awayin, hiyain, gantihan, ikaw ang bumababa sa level nya. Jesus wins by transcendence and self-control. Because we cannot control other people, Jesus tells us to control ourselves. At the end of the day, we do not make a clown of ourselves and we end up more dignified, quiet, placid, and calm.

Kung matanda na kayo at may namumuo pa ring galit sa dibdib nyo, nakakahiya na yan. Hindi na uso at hindi na bagay. Sinong kinamumuhian nyo? Ano’ng nakakamuhi sa inyo? Alangan namang sampung taon na yung hinanakit nyo, ayaw pa ring paawat? Aba e malaki na ang pagkukulang nyo sa sarili nyan dahil kayo ang nagdurusa. Magkakasambahay kayo, magkakamag-anak kayo, magkakapitbahay at hindi kayo nag-uusap. Nakakapanigas yata ng leeg yung pinipilit mong tumingin sa iba para huwag mo lang makita yung ayaw mong kausapin. Napaka-abnormal na magkakasama kayo sa isang lugar at hindi kayo nag-uusap. Napakalaking kabalbalan yang magsamaan ng loob nang matagal lalo na kung matatanda na. Kasi parang wala ka namang pinagkatandaan. Ang tagal mo nang nabubuhay wala ka pang natutunan. Sayang ang lahat ang kinain mong patola at ininom mong buco juice kung ganyan ka pa rin. Dapat nagbabago tayo para patunay na talagang kinakasihan tayo ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

STAND IN THE GAP

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 7: 25 (NIV)

Therefore he is able is able to save completely those who come to God through him because he always lives to intercede for them.  

Pag lumalapit ka sa Dios Ama, kakampi mo si Hesus because he intercedes for you all the time. We can learn how to be an intercessor from the Lord’s example. Kung si Hesus inilalapit tayo sa may kapangyarihan sa langit, marami rin tayong mailalapit sa mga may kapangyarihan. Be an intercessor.

May kilala kang medyo may pera at may kilala kang gipit na gipit, puede mong ilapit, “Uy, tulungan mo naman ito. Walang pang-enrol ngayon. Hindi naman dahil nagsabong o nagsugal. Talagang nagsisikap pero wala. Mayroon ka naman, alam ko, tulungan mo ito.” Dapat nasa pagitan ka ng nangangailangan at may ibibigay. Ganyan ang ministry ni Hesus kaya dapat ginagawa din ng mga Kristiano yang ministry ni Kristo.

Don’t intercede only in prayer, “Dios ko, tulungan mo po si ganoon kasi may need siya.” No. Humanap ka ng mayroon. “Uy, ang dami mong dugo, di ba? Ibigay mo kay ganito, kulang yung dugo nya.” May kilala kang principal ng isang school, may kilala kang labanderang hindi makapag-aral ng anak, ilapit mo, “Pinsan, principal ka naman, bigyan mo naman ng scholarship yung anak ng labandera ko. Napakasipag, talaga lang walang chance.” Yun ang intercessor, may action.

Lagi tayong may kilalang mahina at may makakatulong at namamagitan tayo sa dalawa. Yun ang intercessor. Hindi yung sinasabi nating intercessor tayo para sa ganito’t ganoon pero datdat lang nang datdat. Ang tunay na intercessor stands in the gap not just in word but also in deed.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

KAHIT SA MALIIT NA BAGAY

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

John 2:3-5
When the wine was all gone, Mary said to Jesus, “They don’t have any more wine.” Jesus replied, “Mother, my time hasn’t yet come! You must not tell me what to do.” Mary said to the servants, “Do whatever Jesus tells you to do.”

Sa pakikiusap ni Mary sa kwentong ito, ginawa rin ni Hesus ang himala sa kasal.

Itinuro rin ni Hesus, “Huwag kang tumigil sa pananalangin” sa talinghaga. Punta nang punta ang babaeng balo sa judge kasi alam nyang ipapatalo siya sa kaso. Sabi ng judge, “Kahit kayang-kaya kong ipatalo ang kaso, bibigyan ko siya ng hustisya matahimik lang ako.” Huwag kayong magsasawa. Kaya sinabi man ni Hesus, “Babae, huwag mo akong pakialaman,” sinabihan pa rin ni Mary ang mga utusan, “Kung anuman ang ipagawa nya, gawin nyo ha?” Pinilit. Pinagbigyan.

Jesus listens to kind intercession such as what Mary did. Don’t get this wrong.

Mary was alive on earth that time so she interceded for those who were alive on earth at that time. Mary is not on earth now, so don’t turn her into your intercessor. Ang dapat nag-iintercede sa buhay ay kapwa buhay. Yung mga namayapa na’t nasa kabilang buhay, huwag nyo nang abalahin para kayo ipagdasal. Tayo-tayo na ang mag-iintercede para sa isa’t-isa kasi tayo ang magkakapanahon.

The disciples witnessed the miracle and put their trust in Jesus because he could be depended on for small things. Sa loob-loob siguro nila, “E kung itong mababaw na bagay ay pinansin ng Panginoon at naghimala siya, ano pa kaya sa mga mas mahahalagang bagay?” Come to God and intercede for others, even for small things.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.