MALAKING BAGAY

John 2:1-2
On the third day a wedding took place at Cana in Galilee. Jesus’mother was there, and Jesus and his disciples had also been invited to the wedding.

We have to participate in people’s time and space and lives. A-attend ka sa graduation ni ganon o kasal ni ganyan. Hindi masyadong mahalaga sayo, pero sa kanila, malaking bagay na yun. Para sa mga pastor, these occasions happen nearly every day or every week. To reinvent its freshness and find joy in it is a great challenge.

PERFECT O FREE WILL?

Ephesians 5:17
Therefore do not be foolish, but understand what the Lord’s will is.

God has a perfect will for us and God also gave us free will. Dapat mag-agree yun completely para mangyari ang gusto ng Dios. Hindi kasi siya nag-iimpose. So kung kalahati lang ng gusto ng Dios ang tinanggap natin, at yung kalahati ay pinipilit natin yung gusto natin, kalahati lang nung potential ang mangyayari. Kung three-fourths lamang ng gusto natin ang nangyari, one-fourth naman yung matitira sa gusto ng Dios. Our disagreement with God’s will is directly proportionate to what will not happen in our lives according to God’s plan.

HABANG BATA KA PA

Ecclesiastes 12:1
Remember your Creator in the days of your youth, before the days of trouble come and the years approach when you will say, “I find no pleasure in them.”

Remember God while you’re young. Hindi yung sinasabi ng iba, “Naku, sayang naman, naging Christian agad ako, ang bata ko pa. Mabuti pa yung iba matatanda na, marami nang nagawang kabalbalan sa buhay. Wala nang dapat na ma-miss.” So yung iba gusto pang magsisi. Samantalang napakaganda na maagang mag-umpisa. Sa katunayan, yung may edad na tuwing tinitingnan nila yung anak nilang magyu-youth camp, sabi, “Tsk! Sayang naman, hindi pa ako naging Kristiano agad noon. Sana nakakapag-youth camp din ako.”

MASARAP TAMAAN

Proverbs 9:8
Do not rebuke a mocker or he will hate you; rebuke a wise man and he will love you.

Pag may miembro sa church na natamaan ng mensahe ng pastor, a-absent na sa isang linggo. “Ano ba yang pastor na yan? Nang gumagawa siya ng mensahe ako yata ang pinatatamaan!” Kapag inisip ninyong kayo ang pinatatamaan—pride yan. Pauupuin ba ang daan-daang tao para lang makinig, at ikaw lang pala ang audience? Bakit naman kayo isi-single out ng pastor? Paano na ang ibang nakikinig, palamuti sa church?

THORN IN THE FLESH

2 Corinthians 12:7
To keep me from becoming conceited because of these surpassingly great revelations, there was given me a thorn in my flesh, a messenger of Satan, to torment me.

Paul was a very special man. Sobra! Siya ang sumulat ng two-thirds ng New Testament. Nagpakita pa sa kanya in a vision ang Panginoong Hesus. Binigyan siya ng napakalaking kapangyarihan, tinuka ng ahas pero hindi tinablan ng lason at hindi namatay. Napakarami ang ipinakitang pangitain at ibinigay na karunungan sa kanya ng Dios.