Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Corinthians 12:7
To keep me from becoming conceited because of these surpassingly great revelations, there was given me a thorn in my flesh, a messenger of Satan, to torment me.

Paul was a very special man. Sobra! Siya ang sumulat ng two-thirds ng New Testament. Nagpakita pa sa kanya in a vision ang Panginoong Hesus. Binigyan siya ng napakalaking kapangyarihan, tinuka ng ahas pero hindi tinablan ng lason at hindi namatay. Napakarami ang ipinakitang pangitain at ibinigay na karunungan sa kanya ng Dios.

He had the best of both worlds: an Israelite pedigree and a Roman citizenship which enabled him to go anywhere and everywhere unhindered by borders and visa requirements. Marunong siya ng mga wika ng kanyang panahon. May kaya. Pero binigyan siya ng Dios ng tinik, ng bikig, ng salubsob. Nandyan, masakit, nakaka-irita. Tatlong beses siyang nagmakaawa sa Dios na alisin pero ang sagot sa kanya: “Huwag mo nang hingin na alisin yang hirap. Ang isipin mo ay yung ibinibigay ko sa iyong kalakasan sapagkat yang kalakasan na yan ay higit pa sa hirap na pinapayagan kong dumating sayo.”

At hindi ba nangyayari yan sa buhay natin? Pag ang haba-haba ng dasal ng tao, siguro may sakit. Siguro hinahabol ng maniningil. Siguro may panganib. Kasi when everything is okay parang text message ang dasal natin sa iksi. Nakakabuti sa tao yung marami siyang kahinaan at pangangailangan kung yun ang gagamitin nya para umasa at lumapit sa Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.