MULTIPLICATION

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Genesis 1:12 (NIV)

The land produced vegetation: plants bearing seed according to their kinds and trees bearing fruit with seed in it according to their kinds. And God saw that it was good.

Ang gusto ng Dios sa mga nilikha nya ay laging nagpaparami. Nang nilikha nya ang mga halaman, nilagyan nya ang mga ito ng kakayahang magkaroon ng buto at bunga. Bihirang-bihirang bunga ng halaman ang iisa lang ang buto. At kahit iisa lang ang buto, katulad ng avocado, maraming bunga ito at maraming beses mamumunga sa hinaba-haba ng buhay ng halamang yun.

At ginagawan pa ng paraan ng Dios para dumami ang bawat butil. May mga may pakpak na lumilipad, tulad ng buto ng narra na dinadala ng hangin sa malayo para kumalat. Mayroong mga butong kumakapit sa iyong binti o damit para kung saan mo ipagpag nadala mo yung butong yun. Pinapatamis ng Dios ang mga prutas para kainin ng ibon yung laman at lunukin pati buto para kung saan gumawa ito ng mga dapat nitong gawin sa buhay, doon naman nalalaglag ang butong pumasok muna sa kanyang katawan at lumabas din para paglaglag sa lupa may kasama pang fertilizer.

Mahilig ang Dios mag-multiply kaysa magdagdag lamang. What you have is what you will even have more of. Kung ano talaga yung mayroon ka na, nagkakaroon ka pa lalo. God’s increase comes from multiplying God’s capital of talent, time, and treasure. And this is where all of us are equal. Every human being has twenty-four hours a day, seven days a week. What we do with our time will determine much of the end result of our endeavors.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

PARAMIHIN MO

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 19:13

But before leaving, he called in ten servants and gave each of them some money. He told them, “Use this to earn more money until I get back.”

Money should be multiplied. Sa isang kuwento ng Panginoon, may amo na nagbigay ng sari-saring halaga ng pera sa mga tauhan nya at iniwan nya. Nang balikan nya, nag-accounting sila. Yung binigyan nya ng marami, naparami pa dahil in-invest. Yung binigyan nya ng marami-rami nang konti, naparami-rami rin nang konti. At yung binigyan nya nang konti, konti lamang ang isinoli. Playing safe siya, tinabunan lang nya ng lupa. Kaya sinita siya, “Sana inilagay mo sa bangko, nagkaroon man lang ng kahit konting interest.”

This story tells us that God wants us to increase the blessings he gives us. Hindi yung ibabalik mo na wala man lang kinita. Kailangan marunong ka ring mag-take ng risk. Kasi kung talagang sobra kang sigurista, hindi ka mag-iinvest. Ilalagay mo na lang yung pera mo sa kahon o aparador. Pag binigyan ka, paramihin mo, pera man yan o talent. Improve-in mo, pag-aralan mo kung papano dumami yun at mamunga. Napakahalagang marunong tayong mamuhunan at magnegosyo, hindi puro gastos.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

YOU CANNOT OUTGIVE GOD

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Mark 12:42-43

Finally, a poor widow came up and put in two coins that were worth only a few pennies. Jesus told his disciples…”I tell you that this poor widow has put in more than all the others.”

Ugali ng mga tao noong araw na lumalapit doon sa hulugan ng offering. At nang pumila at naghulog yung mayayaman, ang lalakas ng tunog kasi ang bibigat ng mga silver at gold coins. Nang naghulog ang isang babaeng balo halos hindi mo narinig dahil ang nipis-nipis ng baryang inihulog nya roon. Nanonood pala ang Panginoong Hesus at kinukwenta nya yung mga inihuhulog ng mga tao. Tinawag nya yung kanyang mga alagad at sinabi nya, “Tingnan nyo, ang pinakamalaking donor ay yang babaeng yan.” Siempre kataka-taka, kay liit-liit ng hinulog na halaga. Sabi nya, “Naghulog man ng marami yung iba, ang dami pa rin namang natira sa kanila so hindi yun nakaka-impress. Pero siya, hinulog nya lahat. Yan ang tunay na pinakamalaking naglagay.” Hindi binibilang ang halaga kung hindi gaano ka ba nasaktan nung ibinigay mo yun. Talagang indang-inda.

Alam na alam nating sobrang makamahirap si Hesus, bakit hindi na lang nya pinigil yung babaeng balo? “Sister, huwag ka na lang maglagay d’yan. Hindi yan makakabili ng bubong o ng poste, sa iyo na. Hayaan mo na lang yung mayayaman.” Because Jesus knew that whatever you give to God, God will give to you many times over and you cannot outgive God. Kaya ang sabi nya, ang solusyon sa iyong kahirapan ay magbigay. Dahil nag-iinvest ka sa gawain ng Panginoon, paanong hindi ka pagpapalain? So hindi solusyon ang exempted ka na lang kasi mahirap ka.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

CAUSE AND EFFECT

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 20:4

If you are too lazy to plow, don’t expect a harvest.

Plant so you will harvest. And remember this, nobody is too old to plant anything. Marami nga kaming nakain na prutas na galing sa tinanim ng mga lolo namin. Ibig sabihin, kahit matanda na sila nagtatanim pa sila, kumakain ngayon ang kanilang mga apo. Hindi tayo dapat tumigil maging fruitful kahit tayo may edad na kasi hindi natin alam baka pahabain ng Dios ang buhay natin hanggang 200 e di mayroon tayong inani. Kaysa pinahaba nga ang buhay nyo pero wala naman pala kayong itinanim dahil nung sixty anyos tumigil na kayo ng katatanim. Habang buháy ang tao, dapat productive. At habang kaya ng katawan, dapat kumikita.

Siempre mayroong risk involved ang pamumuhunan. Cause and effect ang abundance. Bihira naman yung dinapuan ka ng malas o ng suwerte, tulad ng sinasabi ni Solomon na hindi raw laging nananalo sa karera yung mabilis, o laging nagkakaroon yung masipag, o laging yumayaman ang marunong (tingnan ang Ecclesiastes 9:11). Mayroon ding nagsisikap pero hindi rin nagkakaroon. Pero ibig lang sabihin nun may possibility palang nagsisikap ka na hindi ka pa nagkakaroon kaya lalo ka lang dapat magsikap. At sabi nga nila, ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Kaya kailangan kung nag-fail ka, nag-fail ka. But never stop trying hanggang buháy ka kasi hindi mo alam kung panahon na para ikaw naman yung magkaroon. Most of the time, ang masipag ay mag-aani.

Ang sinasabi sa Bible, kapag namumuhunan ka, dapat lang na umasam ka at umasa na mayroon kang tutubuin. Umaasa kang mayroong kikitain yan at mayroon yang pagdami.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

HEAVENLY INVESTMENTS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 6:19-20

“Don’t store up treasures on earth! Moths and rust can destroy them, and thieves can break in and steal them. Instead, store up your treasures in heaven, where moths and rust cannot destroy them, and thieves cannot break in and steal them.”

Money is not meant to be hoarded but to be spent wisely. Hindi inimbento ang pera para lang ipunin o itago, isalansan at sambahin doon sa kanyang lalagyan. Huwag mag-ipon ng kayamanan sa lupa bagama’t hindi masamang mag-ipon ng pang-puhunan para sa balak mong gawin pero hindi ibig sabihing nabubuhay ka lang para mag-ipon at ipon ka lang nang ipon na wala ka nang ginagawa kung hindi magtiis para lumaki nang lumaki ang iyong iniipon.

Sabi ni Hesus, “Ang unahin ninyo ay mag-ipon kayo ng kayamanan doon sa kabilang buhay.” At kadalasan nangyayari yun kung ginagasta mo yung pera mo dito sa lupa sa mabuting bagay, yun ngayon ang nagiging puhunan, tanim, binhi, investment mo sa eternity. Bibili ka ng Biblia at ibibigay mo sa walang Biblia. Sinusuportahan mo ang isang magandang programa sa radyo para maraming makapakinig ng Salita ng Diyos. People who benefit from such investments actually have a glimpse of eternal life because they learn about the kingdom of God. Marami tayong pinaglalagyan ng pera natin. Nag-iinvest tayo dito at doon. Mayroon ba tayong investment that brings people to God so that they can find the meaning of life, especially eternal life?

When you know how to spend wisely and make a good investment, especially the spiritual kind, that’s only when you are able to gather treasures in heaven.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: