TAKE RISKS

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 6:1-3

Therefore let us leave the elementary teachings about Christ and go on to maturity, not laying again the foundation of repentance from acts that lead to death, and of faith in God, instruction about baptisms, the laying on of hands, the resurrection of the dead, and eternal judgment. And God permitting, we will do so.

Ang puno, pagka ito ay lumalaki, tumataas ang mga sanga pero lumalalim ang mga ugat. Kung taas lang nang taas ang sanga at hindi lumalalim ang ugat, konting hangin lang tumba ito agad. Ganito rin ang spiritual life. Mahalaga na hindi lang tumataas kundi lumalalim din ang ating pagkaunawa. Lumalalim ang pagkabaon natin sa salita ng Dios na siya nating pinagkukunan ng spiritual nutrients, at tumataas naman ang antas ng application nito sa ating buhay. Kaya mahalaga that in our spiritual life, we pursue higher and deeper learning, that we graduate from basic things.

Hindi madaling lumampas sa elementary teachings. This means leaving our comfort zones. Papaano tayo tataas kung meron tayong fear of heights? Paano tayo susuot sa lupa kung tayo ay claustrophobic? Paano natin iiwan ang mga saulado na at dati na nating alam kung ayaw nating mahirapan ang ating isip at loob?

Bawat pagbabago ng isip ay dumadaan muna sa panandaliang kaguluhan. Kasi kung meron ka nang mapayapang pinaniniwalaan at niyayakap, magkakaroon ka ng transition period. Pero mahalaga ang paglago. Kasi if our knowledge, understanding, perception or belief is stagnant, wala tayong growth.

Laging merong konting hirap na kakambal ang pagbabago. But since we are being changed from glory to glory, hindi tumitigil ang pagbabago kaya dapat lang na lagi tayong nag-a-adjust.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

HERE AND NOW

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 2:24

The best thing we can do is to enjoy eating, drinking, and working. I believe these are God’s gifts to us.

Sa iksi ng buhay na ito, kapag inubos pa sa pag-aalala, kokonti na lang ang matitira para mag-enjoy. Matuto tayong magbalanse. Magmahal at payagan mong mahalin ka rin. Maging matulungin at tumanggap ka rin ng tulong. Do your part and get your share. Life must be beautiful because it is from God. Tulungan natin ang kapwa na mag-enjoy din sa buhay. Yung mga pamilya na may nagsasakripisyong breadwinner, tulungan nyo namang magpasan ng krus. Kahit ang Panginoong Hesus ay tinulungan din. Baka naman sobrang pagsasakripisyo na ng ate nyo, tumandang dalaga na, hindi na nagkaroon ng love life kapapaaral sa mga kapatid. Bigyan nyo naman ng break. Mamaya mauuna pa kayong mag-asawa, at yung mga anak nyo naman ang iaasa nyo sa kanya. Baka yung mga tatay at nanay na nagpalaki na sa inyo, pagtanda pag-aalagaan nyo naman ng mga anak nyo. Hindi na sila nagkaroon ng panahon na magsaya. At dun naman sa mga martir, ano ang gagawin nyo? Sakripisyo na lang hanggang mamatay? Sa langit na lang kayo babawi? No! Life must be lived here and now. Pinahahalagahan ang katawan at inaalagaan para lasapin ang magagandang inilaan ng Dios para sa tao.

Ipagdiwang ang buhay. Gawin ang dapat gawin. Basta hindi ipinagbabawal ng Dios, gawin nyo. Binigyan ka ng mata para makakita, binigyan ka ng panlasa para tumikim, binigyan ka ng paa para maglakad, binuhay ka ng Dios para mabuhay ka.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

GET A LIFE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 3:12-13

I know the best thing we can do is to always enjoy life, because God’s gift to us is the happiness we get from our food and drink and from the work we do.

Walang nilikha ang Dios na ang kanyang iniisip ay pahirapan. Maganda ang plano ng Dios para sa atin pero kailangan tayong mag-cooperate, kailangan nating gawin ang tama. Hindi ikinalulugod ng Dios na nagsasakripisyo tayo. May sakripisyong kailangan, halimbawa, yung magulang nagsasakripisyo ng pagkain nya para makapag-aral ang anak. Pero para patayin mo yung sarili mo para makapag-aral yung anak mo, sobra na yun.

Every human life has a basic dignity that its possessor must take care of and not unduly sacrifice for the sake of another. Liban na lang sa mga emergency situation, katulad ng digmaan kung saan hinarang mo ang bala para maligtas ang iyong asawa. Baka puede pa yun. Pero bihira naman ang ganung mga cases. Huwag sobrang magpakamartir dahil baka maling kabayanihan na yan.

Maraming kabataan ang nagpapakamatay para lang malagay sila sa internet. Kasi may obituary ngayon sa internet ng mga nagpapakamatay. Sa kagustuhan ng iba na sumikat, yun na lang ang paraan nila para sumikat kaya nagpapakamatay. Pero kung patay ka na, malalaman mo pa ba na nalagay ka dun? Kaya yung ganun ding uri ng pagpapaka-star ay walang lugar. Sandali ka lang nandun, kasi mamaya may bago na namang nagpakamatay, napalitan ka na.

Mahalin ang buhay. Napakaganda ng ating salita d’yan sa Tagalog: Mabuhay! Ang daming ibig sabihin nun. Live. Get a life. Kung matamlay ka, buhayin mo ang sarili. Sapagkat ang Dios ay Buhay.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

BALE-WALA LANG BA?

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 6:4-6

a child born dead is better off than you, unless you enjoy life and have a decent burial. That child will never live to see the sun or to have a name, and it will go straight to the world of darkness. But it will still find more rest than you, even if you live two thousand years and don’t enjoy life…

Not having a restful life and a graceful exit in this world like a decent burial could make a long and prolific life almost meaningless. Maraming guilty sa bagay na ito. Ang daming magagandang baso sa bahay pero ang ginagamit ay yung mga bungi-bungi kahit na nahihiwa-hiwa na yung labi. Ang daming magagandang kumot pero ang ginagamit ay yung wasak-wasak na lumalabas na ang mga paa sa butas. Ang daming magagandang silyang nakabalot sa plastic ‘tapos ang ginagamit na upuan ay lata ng floor wax. Ang gaganda ng mga tuwalya pero yung mga gasgas at maninipis ang ginagamit. Ang daming bagong damit pero yung kupas ang isinusuot. Ang daming pera pero ang kuri-kuripot at wala nang ginawa kundi magtipid. Yan ang mga useless.

Pag bine-bless tayo ng Lord, dapat may ibinibigay tayo sa sarili for our enjoyment. Kasi pag hindi natin ine-enjoy yun, parang sinasabi natin sa Dios, “Bale-wala naman sa akin yung ibinibigay mo. Hindi naman ako nasasarapan.” When you can enjoy a good meal, a relaxing vacation, a new dress, and say, “Thank you, Lord,” it is a high act of worship. These are two sides of one and the same coin, yung sacrifice and enjoyment because our God is a God of balance.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

PROTECT LIFE

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 64:1

Listen to my concerns, God, and protect me from my terrible enemies.

         Isa sa mga paulit-ulit na tema, lalo na sa Psalms, ay yung panalangin sa Dios na ipagtanggol at ipaadya yung nananalangin mula sa mga kalaban at sa mga masasamang tao na nais kumitil ng buhay at magbigay ng panganib. It is a very valid prayer to ask the Lord to protect us. Life must be protected from threats and death.

         When King Saul wanted to kill David because he was threatened by David’s anointing from the Lord, humingi ng tulong si David sa kaibigang si Jonathan at nagtago siya sa mga bukid. Hindi wise na harapin mo ang apoy, bala, at kamatayan kung puede mo naman itong iwasan. Do not needlessly put your life in danger and at risk by commissioning something that endangers your life or by omitting to do something that can protect it. Maraming sports at libangan ang hindi necessary dahil life-threatening. Bakit kailangang gawin ang buhay na parang taya sa isang sugal na puedeng maglaho sa isang saglit lamang? We’ve got to protect the gift of life.

         Kung minsan nalilimutan kasi natin that we needlessly put our lives at peril. Laging nagpapaputok ng mga firecrackers ang mga tao tuwing Bagong Taon kahit alam nilang mapanganib. Hindi nagda-diet sa mga bawal na pagkain dahil hindi mapigilan ang katakawan. Hindi nagpapa-medical checkup regularly kahit na mayroon namang pang-checkup. Laging pinapaurong-sulong at nine-neglect kaya lalong lumalala ang mga sakit. Bakit natin pinag-uusapan ang ganitong bagay? Kasi, ang paalala daw ay gamot sa mga taong nakalilimot. Dapat nating pangalagaan ang buhay.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: