KUNG KAYA RIN LANG

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Galatians 6:10

We should help people whenever we can…

Be sensitive to the need of the moment or time. Pagkakataon mo na kasi para gumawa ng mabuti. May isang estudyanteng last sem na nya at ga-graduate na, pero wala siyang pangmatrikula. Humihingi sa iyo ng tulong. Huwag mong palampasin iyon kasi kung tatanggihan mo, lalapit siya sa iba. May tutulong din at ga-graduate din siya. Kaya lang dahil hindi ka tumulong, pwera ka sa pagsasaya nya. Pagkakataon mong dalawin ang isang maysakit. Nagdahilan ka at hindi mo dinalaw. Namatay siya. Hindi mo na madadalaw ulit. O kaya nabuhay siya’t lumakas. Eto ka ngayon kung anu-anong excuse ang ibinibigay mo kung bakit hindi ka nakadalaw.

Yang pag-attend sa kasalan, sa birthday, sa pagdiriwang, sa lamay, o sa libing, bihira ang taong may gusto nyan. Malaking abala kasi liban na lang kung talagang close kayo. Siguro sa isang pagtitipon, wala pang 10% yung tuwang-tuwa na talagang andoon siya. Yung iba, “Naku, magreregalo pa tayo” at kung anu-ano pang angal. Pero, liban na lang na kayo’y nakaratay sa banig ng karamdaman o nasa life-threatening situation, umattend kayo and you’d be glad you did. Kaysa sa tuwing magkikita kayo, nagpapaliwanag ka kung bakit hindi ka nakarating. “May trangkaso kasi ako noon e.” Tuwing nagkikita kayo, uulitin mo yun kasi nagi-guilty ka; nahihiya ka rin.

So kung kaya nyo rin lang, sumipot na kayo kasi iyon ang hinihingi ng panahon at hindi na iyon babalik pa. Every opportunity to do good is a wonderful opportunity. Lost time to do good cannot be regained. Kayanin natin kasi kaya naman talaga natin.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

KAHIT KAAWAY MO PA

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 24:17-18

Don’t be happy to see your enemies trip and fall down. The LORD will find out and be unhappy. Then he will stop being angry with them.

Kung may kaaway tayo na biglang nasunugan, napahiya o minalas, huwag tayong matuwa. Huwag nating ikagalak ang pagbagsak o ang kapahamakan ng kaaway natin kasi magagalit sa atin ang Dios at hindi na nya paparusahan. Kapag dinagdagan natin ng panlalait at ipinagdiwang natin ang kanilang kasawian, sa atin mababaling ang ngitngit ng langit. Kaya hindi tayo dapat nagbubunyi kahit pa nga kaaway natin ang napapasama. In relationships, we harvest what we plant, we keep what we give away, and we lose what we selfishly keep.

Relationships are like plants in a pot. They have to be watered, fertilized, nourished, pruned, and taken care of. They cannot be abandoned and expected to thrive, grow, and flourish on their own. Ang mga relasyon natin ay dapat kinakalinga at minamahal para lumago at mamunga. Ang mga mag-asawang hindi nagpapatawaran soon fall out of love. Ang mga magulang at anak na hindi nag-uunawaan bagama’t hindi napuputol ang relasyon ay nawawalan ng magandang pagtitinginan. Ang mga magkakapatid na hindi nagmamahalan will not always like to be there to help. Ang magkakaibigan na hindi nangangalaga sa isa’t-isa ay maaaring maging magkaaway.

Hindi natin maaaring pangarapin ang kabiguan kahit ng ating mga kaaway. Hindi natin ipapanalangin ang kanilang pagbagsak at gumanti sa pamamagitan ng halakhak. Kung nais nating kasihan ng langit, patuloy tayong magmahal maging ng mga kaaway. Pagmamahal lamang ang sukli sa kapwa pagmamahal.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

DO NOT NEGLECT YOUR FRIEND

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Job 6:14

My friends, I am desperate, and you should help me, even if I no longer respect God All-Powerful.

Never abandon a friend. One of the virtues taught by the Bible is to value friendship. Friendships are strengthened in times of adversity and need. Yung mayroon tayong kasama in good times ay maganda, pero kasama pa rin kaya natin sila sa sandali ng pangangailangan? Ang mga tunay at matitibay na pagkakaibigan ay yung pinagbubuklod ng pagtutulungan. Kung pinapahalagahan natin yung mga nakakasama natin sa saya, doble nating pahalagahan yung kasama natin sa pangungulila, panghihina, pagluha, dusa, hirap, kadiliman, at kasalatan. Sila ang mga kamay ng Dios na iniaabot sa atin.

If your friend is in need and troubled, it is your great chance to strengthen the friendship by being there for him. Huwag nating isipin na ang pangangailangan ng isang kaibigan ay abala, sagabal at setback sa atin. It is an opportunity not to be avoided but actually to be taken advantaged of for the furtherance and strengthening of the relationship. Not everybody needs help every time and every day. So hindi natin pinalalampas ang rare opportunity to be helpful.

Hindi dapat tinatakbuhan ang isang nangangailangan. Paano kung tayo naman ang nangangailangan at tinakbuhan tayo ng mundo? Huwag nating palampasin ang pagtatanim ng kabutihan kasi darating din ang panahon ng anihan. Of course, hindi tayo tumutulong with a view na babawi tayo sometime in the future. The purest motivation in helping is also rewarded by God. Tandaan natin, kahit wala tayong inaasahang sukli, may inilalaan ang Dios na sukli para sa ating kabutihan. Never neglect a friend.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below:

CREDIBILITY

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 25:9-10
When you and someone else can’t get along, don’t gossip about it. Others will find out, and your reputation will then be ruined.

Friendship and trust are both sacred. Whatever is shared in trust must remain sacred though your relationship may change for the worse. Pag may ipinagkatiwala sa ating sikreto, lalo na’t nangako tayong hindi makakarating kahit kanino, dapat magkamatayan man hindi natin ito ibubunyag. Kung makakatanggap tayo ng isang maselang text message, huwag nating i-forward kung kani-kanino yan lalo’t walang permiso ng sender dahil natataya ang kanyang dangal at nalalaman ang kanyang lihim. Kung gusto nating bulatlatin ang buhay natin sa harap ng iba, sino ang makakapigil sa atin? Pero wala tayong karapatang kaladkarin yung iba sa pagkakalat natin. Kung sa magandang panahon ng inyong pagsasama bilang magkaibigan, may naibahagi na isang personal na lihim, sa sandaling magkasamaan kayo ng loob at magkagalit, wala pa rin kayong karapatan na ibunyag yung mga bagay na noong nalaman mo ay ipinaalam sa iyo dahil kayo’y magkaibigan.

Kapag sinira natin ang pagtitiwala ng iba, sinisira rin natin ang ating sarili dahil ina-advertise natin to one and all that we can never be trusted. That what you accepted in confidence in good times, you will divulge in bad times. Hindi ka na rin pagkakatiwalaan ng nakikinig sa iyo. When we suddenly destroy ourselves before the people who believe in us, we actually make them orphans because they now have no one to believe in. Kaya isang dakilang ministry yung credible tayo hindi lang para sa ating sarili kundi para rin sa ibang tao na nagkakaroon ng ginhawa dahil naniniwala sa atin.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

SUPPORT SYSTEM

Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 18:24

Some friends don’t help, but a true friend is closer than your own family.

Mapalad ang tao na may mga totoong kaibigan. Dumating man ang hirap at lungkot, mayroon siyang kakampi. Sapagkat mahalaga ang may mga kaibigan, we must allow and help others to have the same friendship. Mga magulang, pinapayagan natin ang ating mga anak na magkaroon ng mga friendships. Binibigyan din natin ng pagkakataon ang asawa natin na magkaroon din ng mga kaibigan. Hindi tayo lang. E kung bigla tayong namatay, papaano na? Kaya kung kayong mag-asawa lagi ang magkakampi, yung isa sa inyo biglang sumakabilang buhay, hilung-hilo ngayon yung isa kasi walang ibang support system. Kaya yung mga magulang din na sobrang protective sa mga anak, parang kayo lang ang tao sa mundo. E papaano kung nabawasan kayo? Kaya isa rin sa mga gifts natin sa mga mahal natin sa buhay ay we allow and empower them to develop friendships because friends multiply our joy and divide our sorrow. Napakagaan ang nangyayari sa mga bigat kung mayroon kang mga katuwang na mga kaibigan.

That’s why we should keep on making new friends especially when we grow older, move to a new place, position or situation. Kung nagkakaedad na, lalo lampas ka na ng fifty o sixty, dapat hindi ka tumitigil na makipagkaibigan kasi marami ka nang dating kaibigan na guma-graduate. Nababalitaan mo na lang, “Ay, namatay na pala si ganoon.” Puro depression na lang hanggang maubos na sila. Yan ang isa sa mga kalungkutan ng mga matatanda. Kaya hindi dapat tumitigil sa pakikipagkaibigan para marami kang support system.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: