Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Luke 7:14-15

Jesus went over and touched the stretcher on which the people were carrying the dead boy. They stopped and Jesus said, “Young man, get up!” The boy sat up and began to speak. Jesus then gave him back to his mother.

Marami tayong kamatayan, hindi lang yung physical. At bawat pagtatangka ng mga taong ilibing tayo ay hinaharang ng Panginoon at hinahawakan nya yung pinagpapatungan ng ating bangkay. Ilan na ang nagtaksil sa inyong boyfriend? Lima? O di lima na ang gustong maglibing sa inyo. Hinarang yun ng Panginoon kaya buhay pa kayo ngayon.

Pag naiwanan ka ni papa, parang gusto mo na ring mamatay, pero pagkatapos ng tatlong buwan, nagtataka ka kung bakit ka nagpakabaliw dahil tumino ka na uli. Kaya kung kayo’y hirap na hirap dahil iniwan kayo, lilipas din yan. The important thing is to remain alive so that you will have time to laugh and realize how much a fool you have made of yourself. Ba’t ninyo mamahalin yung hindi nagmamahal sa inyo? Inililibing na nga kayo, papayag kayong ilibing? No way, because Jesus touches our coffins and stops people from burying us.

He touches our loved ones’ coffins as well. Kayo ba yung nanay na naglilibing ng mahal sa buhay, o kayo yung anak na inililibing? In both cases, the Lord can touch your life. Pana-panahon lang yan. Kung minsan, ikaw yung inililibing, kung minsan, ikaw yung naglilibing, kung minsan naman, ikaw yung pumatay kaya may ililibing. Paiba-iba lang tayo ng role sa buhay pero iisa lang ang role ng Panginoon. Lagi siyang nakatingin, nakamatyag at gusto nya tayong tulungan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.