Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 15:51-52
Listen, I tell you a mystery: We will not all sleep, but we will all be changed—in a flash, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, the dead will be raised imperishable, and we will be changed.

Maiiba tayo kaya huwag kayong matakot. Kahit pansamantalang nagmukhang nabulok kayo, katawan lang yun. Tayo ay bibigyan ng bagong anyo. Ng glorified body, ng glorified identity. Yung may mga kapansanan sa planetang ito, wala nang kapansanan pag bumangon sa presensiya ng Panginoong Hesus. Ang lahat ng kakulangan ay hindi na magiging kakulangan pa. Ang lahat ng mga tinatawag na mga kapintasan ay di na magiging kapintasan pa. We will all be changed. Hindi na tayo kailanman aagawin ng pagkabulok.

Kung atin lamang pakikinggan ang sinasabi ng Biblia, ang lahat ng takot ay maglalaho, mapapalitan ng pag-asa at ng kagalakan sa mga darating pang panahon. Ang takot ay hindi galing sa Dios kundi sa ating kaaway. Kaya kung tayo ay matakutin, dapat nating palayasin ang espiritung yan at lalo tayong umasa sa Espiritu ng Dios.

Ang kailangan lang nating takot ay ang takot sa Dios. When we fear God, there is nothing else and no one else to fear.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.