Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 14:3

But all of them are corrupt; no one does right.

Sino sa atin ang makakapagsabing, “Malinis ako”? Wala siguro. Kahit ko-konting dumi lang ay marumi na ang isang bagay. Ang ulam man na isang talyase, malagyan lang ng konting impurities ay napapanis na. Ang isang kumot na puting-puti, pag nagkaroon na ng konting batik sa isang sulok, hindi na yan perfect. And we need to be perfect to face God. Ngayon, sino na lang ang puedeng humarap sa Dios?

         Tayo ba na ipinaglilihi pa lamang ay nakakabit na yung tendency at capacity to commit sin? Sin is crouching at the doorstep of our person waiting to happen because of our sinful nature. Ang inclination natin ay maging makasalanan imbes na maging banal. Maging si Apostol Pablo na lumaki sa turo ng pinakamahuhusay na teacher sa Israel at nang maging Kristiano ay nakapagturo ng maraming tao at nagtanim ng maraming iglesia, ay nagpatotoo ng kanyang mga kalituhan. Sabi nya, “Gusto ko namang gumawa ng mabuti pero yung gusto kong gawing mabuti ang hindi ko nagagawa. Yung ayaw kong gawing masama ang nagagawa ko.” At kung si Paul na ang nagsasabi ng ganyan, ano pa ang kalagayan ng mga mas ordinaryong tulad natin? Matapos nyang isa-isahin ang kanyang kahinaan, ang ending nya ay isang tanong, “Kung gayon, sinong makakapagligtas sa akin?” What an intelligent question!

Salamat na lamang at hindi na perfection ang hinihingi para tayo maligtas. Mayroon tayong kaisa-isang option. By being legally and vicariously holy, perfect and sinless through Jesus Christ.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: