Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 16:5
The LORD detests all the proud of heart. Be sure of this: They will not go unpunished.

Pride separates man from God. One of the main elements of pride is self-reliance. Self-reliance or pride puts God out of the picture. Kung hindi kayo nananalangin, pride yan. Kasi ang ibig sabihin nyan, kaya nyo nang mabuhay maghapon na walang Dios. Meron tayong gagawing desisyon, hindi muna natin ipapanalangin at magde-decide na lang tayo. It is a form of pride kasi we are actually saying, “I don’t need God’s guidance.” Sa sarili tayo umaasa at pag nangyari yun, napuputol ang blessing ng Panginoon sa atin.

Pride also separates man from his fellow men. Gusto ni Satan na proud si misis para magkagalit sila ni mister. Gusto ni Satan na proud si babae para makagalit niya si kaibigang babae. Gusto ni Satan na proud ang co-worker para yung mga co-workers mag-away-away at magkahiwa-hiwalay. Pag proud kasi ang isang tao, walang may gusto sa kanya.

Pag walang may gusto sa inyo ngayon, e di wala nang mananalangin para sa inyo. Wala nang magbibigay ng paalala. Wala nang tutulong at susubaybay. Kawawa ka na. Nag-iisa ka na. Kayang-kaya ka na ni Satan na sirain. This is the ultimate reason why Satan wants us proud – to isolate us from God and from fellowmen para walang tutulong sa atin at nang masolo nya tayo. Kaya kinasusuklaman at kinamumuhian ng Dios ang mga palalo at mapagmataas.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.