Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 23:5

You treat me to a feast, while my enemies watch. You honor me as your guest, and you fill my cup until it overflows.  

Eastern etiquette ang nilalarawan ng verse na ito. Noong araw sa Israel, nakatira ang mga desert dwellers sa mga tent. Pag may bisita, sumasalo sila sa labas ng tent para presko. Kung minsan nilalatag lang nila doon sa carpet ang kakainin nila kaya kitang-kita ng ibang desert dwellers na may bisita.

Ang ibig sabihin nun, pag pinakain ka at sumalo ka, walang puedeng gumalaw sa iyo sa lugar na iyon na hindi muna dadaan sa iyong host at willing siyang ibigay maging ang kanyang buhay to protect you from your enemies. At ganun ang ginawa ng Panginoong Hesus. Namatay siya para sa atin kaya hindi na tayo puedeng patayin ng kalaban. Sinasabi ng Panginoon, “Pag pinapasok mo ako sa iyong puso, magiging shepherd mo ako. Ako na muna ang mamamatay bago ko payagang may mangyaring masama sa iyo.”

Sa init ng disyerto na halos ikabiyak ng ulo sa init at ikabitak-bitak ng anit, pag dumating ang isang bisita, binubuhusan siya ng konting langis sa ulo para ma-refresh. So bukod sa binibigyan tayo ng dangal dahil binubuhusan nya tayo ng langis, umaapaw din ang inumin na inaalok. There’s always hunger and poverty in that region, so pinapakita sa atin na ang binibigay nya ay sobra-sobra. Hindi tayo pinagdadamutan. Ganyan magbigay ang Dios.

Protection from enemies, more than enough provision, and refreshment for life’s journey. That’s what Jesus will do for you when He becomes your Shepherd.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: