Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 126:2
We celebrated with laughter and joyful songs. In foreign nations it was said, “The LORD has worked miracles for his people.”

Laughter celebrates happiness. It balances sadness and anaesthetizes pain. Nakakapagpagaan sa buhay kung may sense of humor tayo. Kung ang napangasawa nyo ay mahirap pa sa daga, pero may sense of humor at napapatawa kayo, isipin nyong mayaman na kayo nun. Kahit pinag-aagawan nyo ang ulo ng sapsap, nagtatawanan pa kayo. It’s more fun in the Philippines, sabi nga. Laging maraming festival. Kahit ano na lang isine-celebrate. May coup, tawanan. May nagtitinda pa ng lobo at stage show. Kahit mahulog sa bus, madapa, madulas, mahubuan, maipit ng electric fan o kaya ay napapahiya, nakatawa pa rin. Napakalaking blessing yan sa ating bayan. Likas sa atin.

Sa medisina, sinusuportahan ng maraming siyentipikong pag-aaral na yung pagtawa ay mabilis makapagpagaling ng sakit. Kaya nga sinasabi ng marami na “Laughter is the best medicine.” Kung ang pagtawa ay gamot, pinakamura yan dito sa atin dahil tayo ay sobrang masasayahin. Yung ating capacity to be happy, pagpapala yan ng Dios. And compared with many cultures around the world, mas marami dito sa Pilipinas ang oras para magsaya. Can you imagine a humorless life? Lalapit ba ang biyaya sa mga taong laging nakasimangot? Nahihirapan kayo at nasasaktan ‘tapos tiklup-tiklop ang mukha ninyo? May matutuwa ba? Wala rin.

Simple joys and shallow pleasures are blessings. Kung minsan nilalait natin yung mga taong mababaw ang kaligayahan. Mabuti nga ang mababaw, madaling hukayin at madaling pasayahin. Dahil dapat naman na gawing goal sa buhay ang sumaya. Pag natatawa, tumawa at magpasalamat dahil yan ay libreng gamot.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.