Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 15:58

…stand firm and don’t be shaken. Always keep busy working for the Lord. You know that everything you do for him is worthwhile.

A lot of people labor in vain. Kung minsan, ang bait-bait mo at ang husay-husay mong public servant, pero napagbibintangan ka pa rin at hindi ka binibigyan ng dangal ng mga tao kasi nagugrupo ka sa mga corrupt. Kung minsan, ang dami mong nagagawang mabuti, hindi ka naman naa-appreciate. Kung minsan, mayroon kang lifetime work, ‘tapos wala ka namang kahulugan nung natapos ka na. Pero lahat daw ng ginagawa sa ngalan ng Panginoon ay appreciated at recorded in heaven. Hindi naaaksaya ang anumang paglilingkod o pagbibigay sa gawain ng Panginoon. Kaya dapat na pinahahalagahan sa maikling buhay na ito.

We should not be possessed by bitter regrets. Huwag gumawa ng mga bagay na pagsisisihan. Ang kung may nagawa na, pagsisihan na, ituwid na, and then move on. Sayang ang bawat oras na may galit sa puso imbes na tuwa at pag-ibig. Sayang ang bawat oras na may panghihinayang at pagsisisi kaysa kagalakan. Sayang ang bawat oras na may mahal ka sa buhay ‘tapos hindi kayo nag-uusap dahil magkagalit kayo, samantalang puede naman kayong mag-usap at sumaya. Sayang ang bawat sandali na may kagalit ka, samantalang mas maganda kung siya ay kaibigan mo.

Pero kung may ginawa tayong mabuti at walang naka-appreciate, lalabas din yan pagharap natin sa Dios. Pero tandaan natin na pag may ginawa din tayong masama at walang nakakabuko, alam din yun ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.