Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 21:20

In the house of the wise are stores of choice food and oil, but a foolish man devours all he has.

Nakakalungkot dahil marami tayong kapatiran na ang tagal-tagal nagtrabaho sa abroad para kumita ng dollars, isa o dalawang buwan lang matapos mawalan ng trabaho, wala na ni ano. Paano, galit na galit sa pera yung tumatanggap ng remittance. Hindi pa nga dumadating ang dolyar nakapangako na kung kani-kaninong bumbay na may hinuhulugang appliances, hikaw at kung anu-ano. Kaya pag-uwi kung sinuman ang nagtrabaho, bigung-bigo. Away ang kinalalabasan. Hahanapan ng savings pero walang maipakita.

Ang sabi sa Bible, magtipid. Dapat mag-allocate. Kung may pangganansya at pang-enjoy, dapat may pang-save din. Gusto ng Panginoon na meron tayong savings. Huwag nyong ilalagay sa kahon ng tokador ang libreta. Pagdating ng tiya nyo, naiyakan kayo ng konti, labas na ang pera. Nakapadaling lumabas ng pera pag nasa bahay. Kasi, ang problema sa iba, ang laging kinukwenta ay ang savings ng iba. “Naku, malaki na ang ipon nyan.” “Ganito siguro ang gastos nila buwan-buwan, ganito ang kita.” Ang gustong papakin ay ang savings ng iba. Very un-Christian, very indecent.

Yun daw taong matalino, nag-iimpok. Ang taong hangal ay nag-uubos agad. Pag dumating sa kanya ang biyaya, nilulunok nya lahat. Ang pilosopiya sa buhay ng ibang tao ay “Tiis na ba sa wala, tiis pa sa meron?” Kailangang makabawi. Pirming laman ng SM City! “Ubus-ubos biyaya, bukas nakatunganga.”

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.