Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 14:29-30

…Then Peter got down out of the boat, walked on the water and came toward Jesus. But when he saw the wind, he was afraid and, beginning to sink, cried out, “Lord, save me!”

Kung tayo ay matatakutin, nalalayo tayo sa Dios. Nawawala ang ating pananaw sa kanya at napapatingin sa mga bagay na nandaraya.

Nang nakita ni Pedro ang Panginoon na nakatuntong sa tubig sa lawa, sabi nya, “Panginoon, papuntahin nyo naman ako sa kinaroroonan ninyo. Payagan ninyo akong makalakad sa tubig at makarating dyan.” Sabi naman ng Panginoon, “Halika!” Habang si Pedro ay nakatingin kay Hesus, inihakbang ang pangalawang paa; inalis sa bangka at itinayo sa tubig. Hindi siya lumubog. Siya’y nakalakad sa tubig habang nakatitig kay Hesus.

Subalit, nang napatingin siya sa mga alon at hangin na visible because of the water and the mist that it carries with it, natakot siyang lumubog. At dahil natakot siyang lumubog, lumubog nga siya. At nang lumulubog na siya, sumigaw si Pedro, “Lord, save me!” Inabot ng Panginoon ang kanyang kamay at iniahon siya sa tubig at sinabi, “Bakit ka natakot? Bakit ka nagduda? Nakalakad ka na nga ng ilang hakbang, natakot ka pa?” 

Tayo na nakalakad na ng ilang hakbang sa Panginoon, napatunayan na ang kanyang kabutihan, napatunayan na ang kanyang pag-ibig sa atin, ano’t babalik pa ulit tayo sa takot? Kahit naman titigan natin nang titigan hindi rin yan mawawala. Kahit isipin natin nang isipin ang mga nakakatakot, lalo lang tayong natatakot. Upang hindi tayo natatakot, dapat na nakatitig nang nakatitig sa Panginoon. Why be afraid when you can trust God?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.