Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

John 2:1-4

…Mary, the mother of Jesus, was at a wedding feast in the village of Cana in Galilee. Jesus and his disciples had also been invited and were there. When the wine was all gone, Mary said to Jesus, “They don’t have any more wine.” Jesus replied, “Mother, my time hasn’t yet come!…”

Madalas gusto nating imbitahin si Hesus sa libing, sa lamay, sa pagkakaratay sa sakit. Naaalala natin siya kapag nangangailangan tayo, nagigipit, may sakit, may panganib sa buhay. Pero imbitado ba siya sa ating kasiyahan? Dapat iniimbita rin natin ang Panginoon kapag marami tayong pera; hindi lang kapag wala. Kasama rin ang Panginoon sa agenda natin kapag tayo’y matagumpay; hindi lang kapag bigo. Dahil siya’y inimbita, may nangyari. Kahit saan din tayo magpunta, blessing tayo. Pampagaan, hindi pampabigat. Pampasaya, hindi pampalungkot.

At maski na sinabi ng Panginoon, “Hindi ko pa oras” pero napakalinaw naman na oras ng pangangailangan ng nagpakasal, kumilos din siya. Puede mong sabihin, “Hindi ko pa kailangan ngayon, hindi pa mabuti para sa akin.” Pero hindi lang oras natin ang dapat nating isipin. Papakainin mo bukas e namatay na sa gutom ngayon, huli ka na. May nangangailangan ng tulong mo, sasabihin mo, “Wala akong oras ngayon. Bukas pupuntahan kita.” Nagpakamatay siya nang gabing iyon. Ano pa yung bukas?

Hindi lang kung anong kailangan mo at kung anong mabuti sa iyo sa oras na iyon, kundi kung ano yung mabuti rin sa kapwa mo sa oras na iyon ang dapat nating isipin.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: