Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 6:7-8
“And when you pray, do not keep on babbling like pagans, for they think they will be heard because of their many words. Do not be like them, for your Father knows what you need before you ask him.”

Kung minsan, naririnig natin sa mga group prayer,

“Panginoon, nasa ospital po ngayon ang aking kapatid.” Gusto sigurong sabihin ng Panginoon,

“Alam ko.”

“Ooperahan po siya bukas.”

“Alam ko.”

“Wala po siyang pera.”

“Alam ko.”

Yun pala nagpaparinig lang ang nagdarasal sa mga kapwa nya nagdarasal para pautangin. Isinangkalan pa ang Dios.

Kung hindi alam ng mga kapwa mananalangin ang detalye ng iyong prayer request, puede naman silang kausapin beforehand, “Ipanalangin natin ang kapatid ko. May cancer siya, nasa ospital at may procedure na kailangang gawin pero wala kaming kapera-pera.” Then you can go to prayer, “Lord, pagpalain mo po ang aking kapatid at ang mga gustong tumulong sa kanya. Bigyan nyo po kami ng kakayahan. Amen.” Yun ang panalangin. Hindi yung, “Lord nasa room 704 po ang kapatid ko at kailangan nya ng dugo.” Bakit mo ini-inform ang Dios?

Maraming mga walang kakwenta-kwentang panalangin. Hindi nakakapagtaka kung hindi dinidinig ng Dios kasi hindi naman panalangin. Mas matatawag pa ngang performance for the sake of the audience-prayer partners.

We shouldn’t pray to inform God because God knows. We don’t even need long and detailed prayers. Ang mga gumagawa lang daw nito ay yung mga hindi nananampalataya kasi marami silang ipinag-aalala. They do not know God as their loving Father. Pero sa mga nakakakilala sa Dios, hindi bagay na tayo’y nalilito sa panalangin at nag-aalala.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.