Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 27:24
… riches do not endure forever, and a crown is not secure for all generations.

Sabi nila, diamonds are forever. Yes. Pero yung diamond mo, hindi forever na sayo. Minsan, napupunta kay Antonio Tambunting, sa Agencia Cebuana o sa La Marqueza Pawn Shop. Ayon sa Bible, kailangang binabantayan mo ang iyong financial standing. May plano. Hindi yung “Ay naku, bahala na ang Lord.”

Live according to a planned budget. Kung ang mga mahal nyo sa buhay ay nagtatrabaho sa ibang bansa, kailangang magplano kayo. “Dalawang taon ka dyan, darling? Ganito ang kikitain mo buwan-buwan. Ganito dapat ang ma-save natin para pag-uwi mo, at least, may maliit na tayong negosyo.” Mahirap ang walang plano. Pag dating nang dating ang pera, gastos naman nang gastos. Pag umuwi na si mister, wala na naman. Wala pang dalawang buwang nakakabalik, ang alahas ni misis isa-isa nang nawawala. Kaya kailangan ay may plano and live according to your plan.

Alam nyo ang numero unong sumisira ng plano? Ang mga kamag-anak, hindi ba? Kasi ganun sila. Ang tinitingnan nila ay yung naiipon nyo. Kaya kailangang gumawa kayo ng plano and stick to your plan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.