Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 19:15
Laziness brings on deep sleep…

Sobrang nahihimbing ang mga tamad. Habang natutulog sila, ang buong mundo’y umaasenso. Walang nangyayari dahil tulog nga! We need to work hard especially at becoming what God wants us to be. Ine-exercise natin ang ating mga bibig. Hindi tayo nagsasalita ng mga ayaw ipasabi ng Dios. Ang sasabihin lang natin ay yung mga gusto nya. That’s a lot of exercise. We should go where God wants us to be and not go where God does not want us to go. That is a lot of hard work.

Yung mga taong umaasenso ay yung handang mahirapan. Hindi laging yung puro madali na lang ang gusto mong gawin. Pagka puro madali ang gusto mo, hindi mo malalaman na may natago pa palang lakas na ibinigay sayo ang Dios. At yung konting lakas na nandyan, paunti na nang paunti, kasi ang dali lang ng mga ginagawa mo e. Walang exercise, humihina tuloy.

Subukan ninyo na yung mga lalaking ang laki-laki ng muscle, imbes na mag-weightlift o magsibak ng kahoy o magbuhat ng mga troso ay paggantsilyuhin nyo ng limang taon, pag di lumiit ang muscle nyan. E kasi, ang dali-dali ng ginagawa. Hindi bagay sa lakas nya kaya liliit. Ganyan din ang utak. Pag hindi ginagamit, lumiliit. Lahat kasi nai-stretch. Even our intelligence. Pag lagi na lang mahirap ang ginagawa ng utak mo, nasasanay ito. Kailangan ine-exercise. Ganyang-ganyan sa faith.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.