Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 14:23

All hard work brings a profit, but mere talk leads only to poverty.

Ang pagtatrabaho ay isa sa mga pamamaraang ibinigay ng Dios para tayo magkapera. Kalugud-lugod sa Panginoon ang pagsusumikap at pagtatrabaho ng kanyang mga anak. Sabi ni Paul sa mga taga-Tesalonica, “Ang ayaw magtrabaho huwag kumain. Nabalitaan namin na merong wala nang ginawa kundi magsalita lang, makialam, magpunta sa bahay-bahay, magtsismis, mambola, pero hindi nagtatrabaho. Inuuto nyo ang mga may pera para kayo mabigyan.”

May common mistake ang ilang mga Christians na palibhasa’t nasa pamilya na ng Dios, akala nila may obligasyong ibigay ng kapatiran ang lahat ng pangangailangan nila. “Kapatid, if you love me, kailangang buksan mo ang refrigerator mo sa akin.” Nagtutulungan tayo pero hindi natin gagawing obligasyon ng ating kapwa na tulungan tayo gayong wala tayong ginagawa.

Exempted dito ang mga housewife na nasa bahay at walang employment dahil marami silang gawain. Aba, kung susuwelduhan ng mga mister ang kanilang mga misis, baka kulangin pa ang suweldo nila. May tagapag-alaga na ng mga anak, katulong, yaya, janitor, cook, driver, may inspirasyon ka pa! Nagtatrabaho sila kahit hindi employed.

Yung tinutukoy natin ay yung mga taong walang ginawa kundi tumiwangwang at tumunganga at pagkatapos ay umaasa na pakakainin sila ng kanilang kapwa. Kung baldado na tayo, the church is here to help. Pero hindi natin tino-tolerate ang katamaran.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.