Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Numbers 31:27
Divide the spoils between the soldiers who took part in the battle and the rest of the community. 

Sabi nga ng matatanda, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.” Napakahalaga na lumilingon ang isang nagtagumpay sa lahat ng tumulong sa kanya. Pero tandaan natin na lingon lang, hindi naman titig.

Kung meron tayong utang na loob, magbayad-bayad, magsukli-sukli, pero hindi kailangan na mangayupapa tayo habang buhay sa pinagkakautangan ng loob. Gawin natin ang magagawa para suklian, para maibalik ang kanilang kabutihan pero hindi natin hahayaan na ang pagtanaw natin ng utang na loob ang gumapos sa atin buong buhay.

Maraming tao ang nagpapaapi nang labis dahil may utang na loob na binabayaran over generations. This is the wrong use of utang na loob. Utang na loob as a tool of oppressing others is ungodly. Jesus sets free and we must be free even from the debts of our forefathers. Nagbabayad tayo but not at the expense of our dignity and our well-being.

Sa sistema ng lipunan na maliit ang puwang para ka makaangat, lagi tayong aasa sa tulong at matatali tayo sa utang na loob. Pero hindi tayo dapat pumayag na tayo ay dinudusta-dusta, inaapi-api at kinakawa-kawawa. Hindi natin sinasabi na mawalan tayo ng pagtanaw at pagkilala. Ang katuruan nga is to recognize those who help us. But don’t allow this concept of utang na loob to turn you into a slave for life. Utang na loob is not forever.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.