Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Deuteronomy 4:31

The LORD your God will have mercy—he won’t destroy you or desert you…

Ganito ang pagiging makatarungan. Paparusahan ang mali, pe-premyuhan ang tama. Ang mercy naman, kahit mali ka na, kinukupkop ka pa kasi habag ang umaandar at hindi katarungan. Ang Dios ay parehong mahabagin at makatarungan. Of course, kung ano ang gagamitin nya sa atin, hindi natin alam. Kaya huwag tayong maging mangahas na humingi ng justice. “Lord, where is your justice? Nasaan ang iyong katarungan?” Huwag tayong humingi dahil baka maging makatarungan nga siya sa atin at ibigay pa sa atin ang kaparusahan.

Salamat na lang at ang Dios ay hindi laging makatarungan, dahil mas madalas siya ay mahabagin. Kasi, kung katarungan ang paaandarin nya, lahat tayo ay mapaparusahan dahil lahat tayo ay nagkakamali. Sasabihin mo, “Bakit yung taong yun laging mali pero hindi pa siya tinatamaan ng kidlat?” Huwag nyong hilingin yun dahil yung kidlat na tatama sa kanya, tatama rin sa atin kung ang papaandarin ng Dios ay katarungan lamang. Kung gusto natin na ang Dios ay maging mapagbigay sa atin, maging mapagbigay din tayo sa kapwa. Kung paano natin sinusukat ang kapwa, ganun din tayo susukatin ng Dios.

Lahat tayo ay maraming nagagawang pagkakamali. Ano ang dapat sinasabi ng mga anak ng Dios? Hindi “Sayang” kundi “Next time.” Kapag tayo’y nagkakamali, sabihin natin, “Di bale, next time.” Hindi naman yung “Next time, lagot ka.” Dapat next time, pagbubutihan na natin. Palaging may next time. Habang may buhay, may next time. Kaya palaging buhay ang pag-asa. Yan ang masarap sa mga nabubuhay sa lilim ng pag-ibig at habag ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.