Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 119:18
Open my eyes that I may see wonderful things in your law.

Kung tayo ay rebellious o self-centered, wala tayong makikitang maganda sa iniuutos ng Dios. Ang tingin natin sa kanya, aalisan tayo ng saya. Magiging boring ang ating buhay. Parang mga young people na pag pinagbawalan ang tingin sa mga magulang ay kontrabida sa kanilang kaligayahan. Pero dapat mabuksan ang mata.

Bakit ba ako pinapauwi nang maaga? Bakit minsan pinagbabawalan akong lumabas ng bahay? Bakit ako pinipilit mag-aral? Bakit ako pinipilit kumain ng gulay, uminom ng vitamins, magsipilyo, etcetera? Maraming mga bata ang hindi agad nari-realize ang buti ng kanilang magulang. Ang akala nila ay laging pinuputol ng mga ito ang ikasisiya nila. “Tama na yang computer game. Tama na ang mga laru-larong yan.” Yun pala ay nagkakaduling-duling na. Nagkakasira-sira na ang mga mata.

Hindi ba madalas we are also tempted to look at God that way?

“Iwan mo ang lalaking yan. Iwan mo ang babaeng yan.”

“Pero, Lord, mawawalan po ng kulay ang aking buhay.”

Hindi baleng black and white ang buhay mo. Punung-puno nga ng kulay, puro naman kasalanan.

Dumating na ba tayo sa punto ng ating espirituwalidad na nababanggit nating, “Lord, ang galing naman ng mga ipinagbabawal nyo. Tama kayo for asking me not to be proud. Tama kayo for teaching me to love my enemies”? Kapag pinagbulay-bulayan natin at sinunod ang mga salita ng Dios, mapapatunayan nating totoo ito. Yung mga hindi sumasang-ayon ay hindi sumusunod. Hindi nila mapatutunayang totoo, mabisa at nagbubunga ng mabuti ang mga utos ng Dios. Trust God’s commands. They are there for our well-being.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.