Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

2 Corinthians 6:4

But in everything and in every way we show that we truly are God’s servants. We have always been patient, though we have had a lot of trouble, suffering, and hard times.

Kahit sa gitna ng pagdurusa, dignified people remain graceful, restrained and calm. Hindi sila nagwawala o nagkakalat. Hindi ina-advertise ang kanilang kahirapan. Kung nagkakasakit, hindi dapat na dinadaingan ang lahat ng nakakasalubong. Baka iwasan ka na dahil wala nang narinig na mabuti sa iyo kundi daing. Huwag lumupasay sa lupa o sa lusak ng kabiguan.

Nakakita na ba kayo ng mga babaeng iniwan ng asawa at naglulupasay sa kalsada? Iniwan na nga, nagpagulung-gulong pa sa putik. Lalong hindi na sila babalikan nyan. Face sufferings with dignity. Puede namang umiyak at lumupasay sa tamang lugar at sa tamang kaharap. Pero hindi yung nag-aaway kayong mag-asawa, aalis siya, hahabulin mo pa hanggang kanto at binabato mo ng mga damit nya, “Huwag ka nang babalik! Huwag ka nang babalik!” Iskandalo. May tamang lugar ang lahat. Magngangalngal ka at magsisisigaw kung gusto mo, pero hindi sa lugar na napapahiya at nababastos ka. Walang matutuwa at tutulong sa iyo.

Hindi kailangang ilabas yung dark side natin sa panahon ng paghihirap. Nahihirapan ka na nga, tatanggalin mo pa yung natitira mong yaman, yung dangal mo. Kaya dapat na sinusupil natin yung pangit na ugali, lalo na kapag tayo ay nagigipit, nagugutom at nauuhaw. When we go through suffering and show our worse side, we only drive sympathizers away, create more trouble, and worsen the situation. Bilang mananampalataya, kailangan namang ipakita natin ang tining ng loob ng mga taong tinatahanan ng Espiritu ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.