Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 John 3:17

If anyone has material possessions and sees his brother in need but has no pity on him, how can the love of God be in him?

Ayaw ng Dios na tayo ay pautang nang pautang at para na tayong mga lending institutions. Paano pag may dumating tayong kapatid na nangangailangan? Tanungin nyo kung importante talaga ang pagdadalhan ng pera. Huwag bigay dito, bigay doon na para kang bumibili ng boto. Kung sa paningin nyo ay hindi naman kailangan, don’t lend.

Kung talagang kailangan, huwag pa ring magpautang. Anong dapat? Kung kaya nyo, ibigay nyo na lang at huwag nang ipautang. Hindi naman yung buong savings ng pamilya ang ibibigay nyo. Kung ano lang ang kaya. Halaga na alam nyong hindi makakaapekto sa inyong buhay, hindi mapapariwara ang inyong mga anak at hindi madidiskaril ang mga plano nyo bukas.

Huwag ipautang, ibigay. Ito ang Christian concept of giving. “Ah, kailangan mo pala at meron naman akong ikakaya. Hindi kita papautangin. Heto kapatid, sayo na.” Yan ang Christianity! Hindi tayo nagpapautang kasi nagbibigay tayo!

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: