Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Philippians 1:23

It is a hard choice to make. I want to die and be with Christ, because that would be much better.

Nagtatalo ang loob ni Paul. Kasi gusto pa nyang manatili dito para makapaglingkod pa. Pero higit nyang nais na makapiling si Kristo. E di hamak naman talagang mas masarap na kasama si Kristo kaysa mga Kristiano, di ba? Kasi yung mga Kristiano ang pinakamagugulong tao sa balat ng lupa. Walang ginawa kundi mag-away, magtampo, mag-intrigahan kung minsan bagama’t hindi iyon ang dapat na nangyayari.   Ipagpalagay nang masarap ang samahan ng mga Kristiano, mayroon pa ba namang dapat pag-aagam-agam kung kay Kristo ka na sasama derecho? Pero siempre hindi naman tayo hypocrite, ayaw pa naman talaga nating mag-“to die is gain.” Gusto pa rin nating mag-“to live is Christ” hanggat maaari sana. Habang nabubuhay ka, basta to live is Christ. Pag namatay ka e di to die is gain, pero saka na lang iyon. Tutal mahaba naman ang eternity, huwag nang agahan.

God has instilled in us the love for life. Kasi kung hindi natin mahal ang ating buhay at gusto nating sumakabilang buhay e di kahit siguro mapaupo ka sa kumukulong tubig hindi ka na aahon doon. Napahipo ka sa mainit na plantsa, hindi mo na aalisin yung daliri mo hanggang matunaw. Napahawak ka sa kuryente hindi ka bibitaw dahil hindi ka takot mamatay. Inilagay ng Panginoon sa atin yung konting takot sa kamatayan para i-preserve natin yung life natin. Pero kung dulo na talaga, e di dulo. Kung graduation na, magmartsa. Ngayon, kung buhay pa, huwag laging isipin ang kamatayan. Pag-abalahan at atupagin ang kasalukuyan.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.