Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 11:9
Be cheerful and enjoy life while you are young! Do what you want and find pleasure in what you see…

Kung minsan sa sobrang pagiging serious ng mga estudyante sa pag-aaral, ang tataas talaga ng grades pero wala na silang life. Hindi na nakasali sa speech and drama, hindi na nakasama sa mga outing, wala nang napuntahan man lang na kasiyahan. E paano kung bigla silang namatay? Ano’ng gagawin nyo sa diploma? Kaya yung iba, “Huhuhu, kaga-graduate pa lang ng anak ko, namatay na.” E sa lagay kung ten years after graduation siya namatay, okay na rin ba? Pero ang mahalaga, saan ka man abutin ng kamatayan, kung ano yung ibinigay na palugit sa iyo naipamuhay mo iyon, hindi ka nadaya. So kung bata ka, maging bata ka naman dapat. Kung teenager ka, maging teenager ka naman. Hindi yung ine-expect mo yung bata na mag-behave na matanda. Yung teenager ine-expect mong parang 50 years old kung kumilos. Kasi kung biglang naputol yung buhay nila, they were not able to live the life stage that was expected of them to live.

Yun namang mga nagtatago ng edad, kilabutan kayo. “Ilang taon ka na?” “…ty-five.” Hindi masabing fifty five, sixty five, seventy five, o kahit eighty five. Sabihin mo, “Eighty five and praising God.” Kung nabubuhay kayo nang matagal, dapat nyong ikagalak. Bakit nyo itinatago ang edad? Dapat kayong magpasalamat sa Dios. Alangan namang umuusad ang taon ay hindi nagbabago ang bilang ng kandila sa cake nyo? Ipagpasalamat ang bawat taon.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.