Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Daniel 3:17-18
“If we are thrown into the blazing furnace, the God we serve is able to save us from it, and he will rescue us from your hand, O king. But even if he does not, we want you to know, O king, that we will not serve your gods or worship the image of gold you have set up.”  

Alam nina Shadrach, Meshach at Abednego bilang mga anak ng tunay na Dios na ipinagbabawal ang yumukod sa anumang gawa ng sining, na kawangis ng tao, hayop o anumang persona sa kalangitan o lupa. Kaya kahit na tumutugtog ang mga instrumento, they remained standing. Yan ang tunay na paninindigan. Nakatindig talaga sila!

Kaya’t ipinatawag sila ng hari. Sabi nila, “Hindi po kami yuyuko kahit ihagis nyo kami sa higanteng oven. Ililigtas po kami ng aming Panginoon. At kahit hindi po kami iligtas, hindi pa rin kami yuyuko.” Namula sa galit ang hari at iniutos na sila’y ihagis sa pugon. Buo ang loob ng tatlo hanggang sa ihagis sila at ang mga nagdala sa kanila’y namatay sa tindi ng init.

Madalas ay ganado tayong sumunod sa Dios pag ang hiling natin ay pinagbibigyan. Kapag ang anak natin ay gumagaling sa sakit, samba tayo nang samba. Pero pag hindi gumagaling, ayaw na nating magsimba. Nagtatampo na tayo sa Dios. Kapag binigyan tayo ng house and lot, panay ang samba natin. Pero pag nasunugan tayo ng bahay, wala na tayo sa church. Hindi tunay na pananampalataya yan. Ang pananampalataya sa Dios ay pagsunod sa kanya kahit ano pa ang maging bunga. Even if it ends in our death, we still obey. Because we know that beyond death, God is there.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.