Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 6:25-27
“Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more important than food, and the body more important than clothes? Look at the birds of the air, they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they? Who of you by worrying can add a single hour to his life?”

Nakakita ka na ba ng ibon na nagtatanim? Nakakita ka na ba ng ibon na nagsasaka? Kahit mumurahin lang ang karaniwang ibon at natitirador at nababaril, hindi maaari na di yan inaalagaan ng Dios. Ikaw pa kaya na tao?

Ang totoo’y alam na natin ito pero hanggang ngayon patuloy tayong nag-aalala. Magkaiba yung alam mo at yung pinaniniwalaan at pinanghahawakan mo ang salita ng Dios.

Ito ang logic. Firstly, God will take care of us. Secondly, worrying cannot extend our life. Kung mapag-alala tayo, umiigsi pa nga. Hindi naman nadadagdagan ang kasiyahan kung mapag-alala tayo; nababawasan pa nga.

Bakit ka nga nag-aalala? Kung yang mga bulaklak at mga damong ligaw na buhay ngayon pero bukas ay lanta at susunugin na ay pinag-iisipan pa ng Dios na damtan ng magagandang kulay at disenyo, ikaw pa kaya na mas mahaba ang buhay? Ikaw pa kaya na may panghabang panahong buhay? Ikaw pa kaya na nilikha sa wangis ng Dios? Ikaw pa na siyang dahilan kung bakit ang Anak ng Dios ay namatay sa krus ng Kalbaryo? Ikaw pa kaya?

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.