Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ecclesiastes 10:11
If a snake bites before it is charmed, there is no profit for the charmer.

Charmer ang tawag dun sa mga nagpapaamo ng ahas. Pag maamo na, inaalis nila yung kamandag, pinuputulan nila ng mga pangil. Pero sabi, balewala raw yung charming of the snake kung natuka ka na nya. In other words, marami tayong ginagawang sayang kasi huli na ang lahat.

Merong mga bahay, lalagyan pa raw ng bubong, basa din naman sila tuwing umuulan. Hindi na-serve yung purpose kasi mali ang design. Tingnan mo ang ibang mga bus. Meron pa raw mga fire escape pero naka-welding naman. Pag nasunog ang bus hindi rin kayo makakalabas.

Aanhin mo pa ang pinaamo mong ahas kung natuka ka na? Aanhin mo ang fire escape kung nasunog ka na? Aanhin mo ang edukasyon kung ayaw mo namang gamitin? Aanhin mo ang bisig mo kung ayaw mong magbuhat o magtrabaho? Aanhin mo ang magagandang plato kung nasa loob ng platera mo?

Ang ganda-ganda ng sofa ayaw nyong upuan at may balot pang plastic, tapos nakaupo kayo sa kudkuran ng niyog! Naglagay ka pa ng carpet, nilagyan din ng barong plastic at ayaw patuntungan. Aba, maraming bahay na ang ganda ng komedor! Nasaan kumakain yung pamilya? Nasa dirty kitchen! Bakit sila doon nagkakainan? Baka maluma yung komedor.

Hindi ahas yung pinag-uusapan ng ating verse kundi yung maraming tao na sinasayang lang ang maraming hindi dapat nasasayang. Bakit tayo may utak? Para maging wise at mag-isip.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.