Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Psalm 90:14

When morning comes, let your love satisfy all our needs. Then we can celebrate and be glad for what time we have left.

Para tayo sumaya, let us live by the day. Hindi natin alam ang mangyayari bukas pero alam ba natin ang nangyayari ngayon? Kaya, ngayon tayo mabuhay kasi ito ang mayroon tayo at ito ang alam natin. Bakit kailangang i-fastforward natin yung wala pa? Aalagaan ng bukas ang sarili nya, kaya ang alalahanin lang natin ay ang ngayon. Kapag dumating na yung bukas at yung mga alalahaning dala nito, saka na natin salubungin. We must learn to enjoy the day and savor the moment.

Hiram lang ang araw na ito, kaya dapat na pinakikinabangang mabuti. Yung kahapon, kumbaga sa pera, nagastos na iyon, wala na. Yung bukas, promissory note lang yun, hindi mo nga alam kung matutupad o darating. At yung present o ngayon ang equivalent ng cash to spend, kaya enjoyin. Huwag sobrang tipirin, kasi yung panggastos bukas bibigyan ng Dios ng panibagong budget. Ang pagmamahal at ang biyaya ng Dios ay laging fresh at bago tuwing umaga. Hindi siya nagkukulang. Kung minsan kasi, sobra tayong magtipid kaya hindi natin nae-enjoy ang ngayon. Kahit ano’ng pagtitipid ang gawin natin, hinding-hindi na ito babalik kaya habang narito, lasapin.

Napakaganda ng inilalaan ng Panginoon para sa atin na kanyang minamahal. Ibig sabihin, paganda nang paganda yan, at hindi papangit nang papangit. Huwag ubusin ang maghapon sa pag-iisip ng mga bagay na hindi pa nangyayari. Ang mahalaga, please God, trust God, do good, and enjoy the moment. Bukas may panibagong grasya. Bukas nandon pa rin ang Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: