Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 22:22

Don’t take advantage of the poor or cheat them in court. The LORD is their defender, and what you do to them, he will do to you.

May mga supervisors sa mga construction projects na kumukuha ng mga kapwa mahihirap na manggagawa, pero sasabihin nila, “Ikaw, kukunin kita, kaya lang sa sweldo mong P300 a day, P250 lang ang ibibigay ko ha? P50 ang sa akin.” May cut siya sa lahat ng mga taong kinukuha nya. Mga maliliit na tao na ay dinadaya pa. Kaya bang dayain ang Dios? Ang gumagawa ng mga ganitong bagay ay huwag umasang uunlad. Maaaring pansamantala silang umasenso at lumuwag sa buhay pero hindi rin yun magtatagal. O kaya, nagkakaroon nga sila ng maraming pera pero nagkakaroon naman ng mga malubhang sakit, nagkakagulo naman ang kanilang buhay at nagkakawatak-watak ang pamilya. Malaki ang bayad kung tayo ay gumagawa ng masama sa maliliit na tao. Magsasanla ka ng gangga-bihon mong kwintas, ‘tapos papalitan pa ng ahensiya ng kung ano’ng bakal na tinubog sa kung ano. Kakapiraso mong alahas, pinag-interesan pa. Mga kapwa mahihirap ang dinudukutan, inaagawan, at ninanakawan. Pagka ang nakuha pa sa iyong kwintas ay fake, aabangan ka pa kinabukasan at ipalululon pa sa iyo. Palulusutin ba ito ng Panginoon?

    Remember what God said? “Whatever you do to the least of these, you do to me.” Kung mayroon tayong nilalamangan na maliliit na tao, ang nilalamangan natin ay ang Dios. Pero sa totoo lang, malalamangan nga ba natin ang Dios? Alam nya yun. Naghihintay lang siya ng panahon ng kanyang paghuhukom at paniningil.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.