Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 25:40
The King will reply, “I tell you the truth, whatever you did for one of the least of these brothers of mine, you did for me.”

Sa paghuhukom ng Dios, sasabihin ng Lord, “Halikayo, yung mga gumawa sa akin ng mabuti, eto ang premyo nyo. Yung mga hindi gumawa sa akin ng mabuti, may parusa kayo.” Sagot naman ng iba, “Paano naman namin kayo ginawan ng mabuti? Kailan po ito nangyari?” Sabi ni Lord, “Yung ginawa nyo sa mga kapwa nyo mahihirap at kawawa yun ang ginawa nyo sa akin. Kayong gumawa ng mabuti sa kanila, ako ang magbabayad sa inyo. Ako rin sila, dahil mahal ko sila. Ngayon, kayong mga nagkait sa kanila, ako ang pinagkaitan nyo, ako ang sisingil sa inyo.”

Those who are unkind and uncharitable cannot and should not laugh. Kasi sisingilin ng Dios ang lahat ng kakunatan natin sa kapwa. Hindi tayo dapat puro hanapbuhay at kapag may mahirap na humihingi sa atin ng tulong ay sasabihin natin, “E ako na nga ang naghahanapbuhay, wala ka namang pakinabang—hindi kita bibigyan!”

Kaya nga tayo naghahanapbuhay dahil yung sobra sa kinikita natin sa ating pangangailangan ay maibigay sa mga nangangailangan. Hindi para may masamba tayong nakasalansan. Nagsisikap tayong kumita ng marami para lahat ng pangangailangan natin ay matugunan, may sosobra pa, makapagtabi pa ng kaunti, at higit sa lahat, makapagbigay pa tayo sa mga kapuspalad.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.